Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, inayang magkape si Mocha Uson

PAGIGING positibo na talaga ang ipinakikita ngayon ni Kris Aquino kaya naman huwag nang magulat kung ayain niya si Mocha Uson na magkape one of these days.

Sa latest post sa kanyang social media account ni Tetay, tinatalakay nito ang ukol sa ‘unfaithful boyfriends’ at ‘How To Get Over an EX.’

Aniya, minsan na siyang umasa nang maimbitahang magkape sa Starbucks kaya naman nakabili siya ng tatlong Nespresso machines na ang dalawa niyon ay nasa bahay niya at ang isa ay binabaon niya.

Sinabi pa ni Tetay na summa cum laude siya sa kursong How To Get Over an EX na nakatiti-yak akong alam na ito ng karamihan dahil hindi naman itinago ng TV host/aktres ang ukol sa kanyang lovelife.

Sa post ni Kris, sinabi nitong, ”krisaquinoA friend sent this to me & i couldn’t stop giggling…  super relate because minsan umasa rin ako ng dahil sa Starbucks invitation… But NATUTO NA KO ng bonggang bongga- that’s why i’ve bought 3 Nespresso machines, 2 for different areas of our home, 1 binabaon for work- and all the capsules of my favorites Dulsao, Bukeela, Linizio, and Vanilio… plus Volluto Decaffeinato… Starbucks- i just ask Jack or Jane to please buy me Chai Tea Latte, soy, no foam… but my coffee, it’s personal… at home akong nagtitimpla w/ no expectations except just to enjoy the moment. #truth (P.S. Kaya please wag nang mag lecture about an “unfaithful boyfriend?” Honestly, summa cum laude na po ako sa kurso ng How To Get Over an EX. Having said that, may i invite the blog post author to a Nespresso? Coffee naman tayo pag may time? After all i’m nice in person. ) þþþ

Sa dulo’y inimbitahan niyang magkape ang isang blog post author kasi nga nice naman talaga siya na siya ring tinuran sa post ng blog post author. Ang tinutukoy niya rito ay si Mocha na mayroong post sa kanyang Facebookaccount noong Oktubre 27.

Ani Mocha kanyang FB account na may kalakip na picture ni Kris, ito ‘yung pag-welcome sa kanya ng PLDT Home o ng PLDT at Smart Family sa kanya, wala siyang masa-sabing masama kay Kris dahil mabuti itong tao, basta’t huwag lang tatakbo para sa isang public office.

Anito, sa post niyang may titulong: MY OPINION ABOUT KRIS AQUINO. “I have nothing against Kris Aquino as long as she won’t run for public office. She is nice in person but another Aquino in goverment is just going back to your unfaithful bf again and again. Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, Pnoy and Bam). Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash. Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO. Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usapan na yun.

Our concern is ang PLDT sana hindi na gumastos ng gumastos sa marketing. Dapat ayusin nalang nila service nila. Palpak na nga internet speed palpak pa ang after service nila. Kesa na sa gumastos pa sila sa marketing they should focus on serving their costumers well. Yun lang po salamat.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …