Thursday , June 4 2026
bagman money

P.1-M pabuya vs killers ng Grab driver

MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya ang Grab management sa sinomang makapagtuturo sa mga taong responsable sa pagpaslang sa Grab driver na tinangayan ng sasakyan ng mga suspek sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Dionisio Bartolome, kinilala ng pulisya ang biktimang si Gerardo Maquidato, Jr.

Sinabi ng opisyal, nasa tatlo hanggang apat katao ang kinikilala ng kanilang mga imbestigador na huling nakatransaksiyon ni Maquidato bago siya pinatay noong gabi ng 26 Oktubre, 7:45 pm sa harapan ng Express Payment Center sa Bonanza St., Brgy. 189, Zone 20 ng nabanggit na lungsod.

Ayaw munang ipabanggit ng Pasay City Police ang mga pangalan ng tatlo para hindi anila ma-jeopardize ang kanilang imbestigasyon.
Ipinaliwanag ni Bartolome, nag-iingat sila sa kanilang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

“It is complicated because for example, I booked for a ride at Grab but another person will ride instead. It can happen,” ani Bartolome.

Dagdag ni Bartolome, kinilala ang naturang mga “person of interest” makaraan ibigay sa kanila ng Grab management ang buong detalye ng biyahe ng biktima noong araw na iyon bago siya pinaslang.

Kinilala ang biktima ng kanyang asawang si Brenda, 41, habang naka-lagak ang bangkay sa Rizal Funeral Homes.

Base sa affidavit ng misis ng biktima, dakong 10:00 am nitong 26 Oktubre umalis ang kanyang mister sa kanilang bahay sa Quezon City patungo sa trabaho sakay ng silver Toyota Innova na may plakang XV-7109, ngunit makalipas ang ilang oras ay hindi na niya makontak ang cellphone ng kanyang mister, dahilan upang magtungo siya sa tanggapan ng Grab noong Biyernes, 27 Oktubre.

Sa puntong ito, napag-alaman niya na ang huling  drop-off route ng kanyang mister ay sa Doña Neneng St., Pasay  City, may 5.7 kilometro mula sa Bonanza St., lugar na kinatagpuan sa bangkay ng biktima. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …