Tuesday , December 24 2024

“Home sweet home” sa bakwit ng Marawi (Target hanggang Disyembre)

MAGKAKAROON muli ng sariling tahanan ang mga lumikas na mga pamilya sa Marawi City bago matapos ang taon.

“Na-clear na ‘yung… Almost 100% e, sa loob ng war zone. Mas madali na nating masusuyod ‘yung buong Marawi. Rest assured na by December, makaka-deliver na po ‘yung daan-daang temporary shelters para sa ating mga kababayan,”  ani Communications Secretary Martin Andanar kahapon.

Kinompirma kahapon ng militar, nailigtas na ang lahat ng bihag ng ISIS-inspired Maute terrorist group at isang gusali na lang ang okupado ng tinatayang 30 terorista.

Nagbaba ng ultimatum ni Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Group Ranao, laban sa mga terorista hanggang hatinggabi para sumuko upang hindi mapatay dahil tiniyak niya na wala silang ititira ni isa gaya ng pangako ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na hindi titigil ang operasyong militar sa Marawi City hangga’t may nalalabing terorista sa siyudad.

Kamakalawa, iniha-yag ni AFP Spokesman Maj. Gen. Restituto Padilla, maaaring sumiklab pa rin ang terorismo sa iba pang lugar ng Mindanao dahil may terror groups gaya ng Abu Sayyaf Group (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Ansal KHalifa Pilipinas (AKP) ang natitirang naniniwala sa extremism ngunit hindi na kayang maglunsad ng isa pang kagaya ng Marawi crisis.

Sa halos limang buwan na pag-iral ng martial law sa buong Mindanao, napatay ng mga tropa ng pamahalaan si ISIS Southeast Asian emir at ASG leader Isnilon Hapilon, Maute terror group leader Omar Maute at Malaysian terrorist at Marawi crisis financier Dr. Mahmud Ahmad.

Pinaghahanap ng militar ang isa pang Malaysian at Darus Islam terrorist member na si Amin Baco, pinaniniwalaang isa sa foreign jihadists na sumali sa Marawi siege.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *