Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel at Richard, tinilian sa ABS-CBN Kapamilya Thank You event

NAGKAROON ng ABS-CBN Kapamilya Thank You event sa Enchanted Kingdom nitong Sabado, Oktubre 14 at talagang hindi magkamayaw ang fans na dumalo dahil nakita nila ang kanilang mga hinahangaang artista.

Most applauded sina Angel Locsin at Richard Gutierrez bilang love team sa La Luna Sangre at may mga sumisigaw na  ’Chard-Gel.’

Ang iba sa mga dumalo ay supporters pa ng dalawa noong nasa GMA 7 pa sila as loveteam.

May nag-post nga na fan ni Angel ng, ”13 years ko siyang hinahangaan, pagkakataon ko ng mahawakan ang kamay niya,” sabay pakitang kinamayan siya ng aktres.

Wala naman ang KathNiel sa nasabing event dahil si Daniel Padilla ay may shooting ng The Revengers nila nina Vice Ganda at Pia Wurtzbach samantalang si Kathryn Bernardo naman ay may commercial shoot.

Namataan din si Maja Salvador para sa programa niyang Wildflower, Jason Dy, Young JV, Elmo Magalona, at Janella Salvador para sa ASAP at ang ilang miyembro ng Girltrends at Hashtags bilang representative ng It’s Showtime at ang mga taga-MOR radio show.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …