Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Louie’s Biton humahataw tuwing Linggo (“Wansapanataym, nag-iisang Pinoy program na nominado sa Emmys)

Muli na namang kinilala ang programang “Wansapanataym” sa international scene matapos itayo ang bandera ng bansa bilang natatanging Filipino program na pasok sa listahan ng mga nominado para sa best TV movie/mini-series category ng 2017 International Emmy Kids Awards.
Kinilala ang episode ng programa na “Candy’s Crush” na pinagbidahan ng Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Jerome Ponce.
Umikot ang kuwento nito sa dalagang si Candy (Loisa) na pinarusahan matapos gumamit ng magic potion upang paibigin ang campus heartthrob na si Paolo (Jerome).
Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Andoy Ranay at ipinalabas noong June 2016. Makakalaban nito ang “Alleen op de Wereld (Nobody’s Boy)” ng Netherlands, “Hank Zipzer’s Christmas Catastrophe” mula United Kingdom, at “Little Lunch” ng Australia.
Gaganapin ang awards show sa April 18, 2018. Bukod sa “Wansapanataym,” umani rin ng nominasyon at nagtapos bilang finalist ang flagship news program ng ABS-CBN na “TV Patrol” sa 2017 International Emmy Awards for news and current affairs noong 5 Oktubre.
Nominado sa top male acting honor category ang Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo sa 2017 International Emmy Awards para sa kanyang mahusay na pagganap sa “MMK.”
Ginampanan niya ang buhay ng ama na mag-isang binuhay ang kanyang mga anak habang nakatira sa isang kuweba. Una nang nakatanggap ng nominasyon sa International Emmy Awards ang ABS-CBN para kay Jodi Sta. Maria (“Pangako Sa ‘Yo”) at “Bridges of Love” noong 2016, sa “Precious Hearts Romances Presents: Impostor” (Best Telenovela) noong 2011, “Dahil May Isang Ikaw” (Best Telenovela) at Sid Lucero sa “Dahil May Isang Ikaw” (Best Actor) noong 2010, at “Kahit Isang Saglit” (Best Telenovela) at Angel Locsin sa “Lobo” (Best Actress) noong 2009.
Hindi naman ito ang kauna-unahang nominasyon ng ABS-CBN sa news category. Noong 2011, kinilala ng award-giving body ang “TV Patrol” para sa coverage sa Luneta hostage crisis noong Agosto 2010. Nakakuha rin ng nominasyon ang weekend edition ng programa para sa pagbabalita ng super typhoon Haiyan noong 2013.
Ang ABS-CBN newscast na “Bandila” ang kauna-unahang palabas sa bansa na nabigyan ng nominasyon sa International Emmys para sa episode nito tungkol sa Subic rape case noong 2006.
Samantala, patuloy ang pagbabahagi ng kuwentong puno ng aral ng “Wansapanataym” sa kasulukyang serye nitong “Louie’s Biton.”
Naranasan na nga ni Louie (Grae Fernandez) ang buhay ng kanyang idolong si Ralph (Aljur Abrenica) gamit ang ma- gic biton mula kay Mang Dolino. Sumunod, ang buhay naman ni Melissa (Louise Delos Reyes) ang kanyang gagamitin upang ayusin ang mga pagkakamaling kanyang nagawa. Ano nga kaya ang kahahantungan ng plano ni Louie na pagsanib kay Melissa? Huwag palampasin ang kuwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Louie’s Biton” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumun- ta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …