Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

JLC, the best para kay Ivan Padilla

ISANG Padilla na naman ang hahataw sa big screen in the person of Ivan Padillana siyang napisil ni Alessandra de Rossi na maging leading man niya sa siya ang sumulat na istorya ng romantic drama na  12 para sa Viva Films.
Related ang kanyang Lolo (na tatay ng Mommy niyang si Grace)  sa mga Padilla. Nakalabas na siya sa MMK (Maalaala Mo Kaya) with Ria Atayde. At sa 100 Tula Para kay Stella ay BF siya ni Bela Padilla. Nakagawa na siya ng commercials and is being handled by Suzette Ranillo and co-manages him with Viva.
Natikman na rin niya ang ilang proyekto sa TV at pelikula sa Hollywood na naka-eksena na niya sina Salma Hayek at Jon Voight.
Like most aspiring actors na lumaki at nanirahan na galing sa ibang bansa, unang-unang itinutuwid ang mga dila nila para maisalita ang ating wikang pambansa.
“Alex helped me with my pronounciation sa mga dialogue ko in the movie. And I made it a point to watch Tagalog movies. To prepare for my character, I worked on my Tagalog first. Kasi, in most of our scenes here, Alex’ goal was to have a kabatuhan in the scenes she wrote.”
Tungkol sa relasyon ng dalawang tao ang 12. Magkaibigan ng limang taon. Magkarelasyon ng pitong taon. Pero ang tanong eh, kung saan ito humantong?
Maagang nawala sa buhay nilang mag-ina ang kanyang amang si Scott Rhimes. At nahanap naman niya ang father figure sa kanyang martial arts instructor na humubog sa kaalaman niya sa Jiu Jitsu.
Hindi nag-asawa ang Mama niya. At habang lumalaki, ang tita Ana niya ang nakita niyang kasama at katuwang na ng kanyang ina.
“My Mom is a butch. Lesbian. But that didn’t hinder me naman to grow up into a good person. Both her and my tita Ana (na apo ni former Manila Mayor Alfredo Lim) saw to it naman na lumaki akong maayos.”
And Ivan knew na ang acting ang calling niya. So, he opted na bumalik sa Pilipinas to try his luck. He grew up in San Francisco though he attended school at the University of Hawaii. Kaya, pamilyar naman siya sa mga LGBT. 
Wala namang maa-unearth na mga isyu sa kanya gaya ng kung nagkaroon ba siya ng anak, o asawa na lilitaw in the future. Sabi niya, nagpa-practice naman siya ng safe sex all those years.
Sa mga napapanood na niya sa TV at sa pelikula, gusto niya ang acting ni Joshua Garcia and si John Lloyd Cruz ang the best for him sa acting.
“No matter what they say!”
Blessed with good looks, he was not spared na hingan ng opinyon sa pagpapabago ng anyo na gaya ng ginawa ni Xander Ford.
“God does not make mistakes. Kung anong mayroon ka is a gift.
Am not judging anyone. Kung may gusto ka gawin, mayroon kang dahilan.”
Papatok kaya ang kemistring niluto sa kanila ni direk Dondon Santos?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …