IBANG klase pala kung lukuban ng selos ang isang magandang aktres.
Ang tsika, one time ay magkasama silang nag-date ng karelasyong aktor. Sa kanilang pag-ikot-ikot sa isang mall ay nag-excuse muna saglit ang dyowa para mag-CR.
Nagkataon naman nang pabalik na ang aktor sa lugar na iniwan niya ang karelas-yong aktres ay nakasalubong niya nang ‘di sinasadya ang ex-girlfriend na aktres, kasama ang mudra.
Siyempre, dahil maayos naman ang kanilang paghihiwalay noon ay nagkumustahan ang dating magsing-irog. Maya-maya’y nagpaalam na sila, bumalik din agad ang aktor sa nobyang naghihintay sa kanya.
Masayang ikinuwento ng aktor ang naging chance meeting nila ng kanyang ex-dyowa, pero nakabusangot ito. Mula noon, hanggang sa makasakay sila ng kotse ay deadma lang ang aktres, consistent na sambakol ang fez.
Da who ang topaking aktres kapag nagseselos? Itago na lang natin siya sa alyas na Angela Albarracin.
(Ronnie Carrasco III)
Check Also
Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online
HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …
Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party
NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …
Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan
HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …
Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula
HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …
Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko
I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …