Thursday , June 4 2026

Empoy Marquez, dalawang taon ng walang dyowa

BIRU-BIRUAN sa presscon ng The Barker na pinagbibidahan nina Empoy Marquez at Shy Carlos na baka may namumuong malalim na relasyon ang dalawa bukod sa pagkakaibigan dahil na rin sa tagal ng pagsasama nila habang ginagawa ang The Barker.
Pero mukhang it’s a big No No para kay Empoy ang magkaroon ng GF  lalo na’t kabi-break pa lang nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na dalawang taon na ang nakalilipas bukod pa sa ayaw din ni Empoy na magkaroon ng dyowang taga-showbiz.
Dagdag pa ng tinaguriang Pambansang Pogi ng Pilipinas na ang dyowa  niya ngayon ay ang pagmamahal sa Diyos. ‘Yun ang totoo! 
Gusto muna niyang i-enjoy ang anumang tagumpay na tinatamasa niya ngayon at gusto niyang ibalik ito sa Poong Maykapal. 
Bukod pa rito, hindi niya feel ang magkaroon ng girlfriend na taga-showbiz. 
Sa ngayon ay nakatutok si Empoy sa promotion ng The Barker na hatid ng Viva Films at Blank Pages Productions  na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula sa Oct. 25 na kabituin din sina Jeric Raval, Jemina Sy, Raffy Reyes, Ronnie Lazaro, Janice Jurado, Nonie Buencamino, at Sylvia Sanchez.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …