LIHIM na imbiyerna pala ang staff ng isang TV program sa male host nito. Pakinggan natin ang sentimyento ng isa sa kanila.
“Matanda na lang kasi siya kaya ayaw ng patulan, pero sumusobra na rin kasi siya. Kami ang nahihirapan na makatrabaho siya!”
Ang siste, sa tuwing nagkakaroon ng palpak sa pagsasahimpapawid ng programa ay laging ibinubunton ng male host ang sisi sa kanila. ”Oo, inaamin namin na sumasablay kami, pero may kasalanan din siya, huwag kami ng kami ang sisihin niya! At saka may nakakalokang ugali pa siya, kapag nasa out of town kami, humihiwalay ‘yan ng lakad. Makikita na lang namin, nagsosolo, nagkakape mag-isa! Maano ba namang yayain niya kami, gasino na lang ‘yung ililibre niyang barya-barya, eh, ang laki-laki ng sahod niya?” Kuripot. Hindi marunong makisama. Ilan lang ito sa angkop na paglalarawan sa male TV host na itago na lang natin sa alyas na Lino di Caprio, no relation to Leonardo! (Ronnie Carrasco III)
Check Also
Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online
HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …
Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party
NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …
Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan
HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …
Unang Ginang Liza Marcos pangungunahan pag-angat naghihingalong industriya ng pelikula
HATAWANni Ed de Leon NGAYON lang yata muli tinitingnan nang husto ng gobyerno ang entertainment …
Heaven at Marco ‘hiwalay’ muna ngayong Pasko
I-FLEXni Jun Nardo BAD break up ang nangyari kina Heaven Peralejo at aktor boyfriend nito. Naging mitsa …