Thursday , May 2 2024

Pelikulang Bomba  ni Allen Dizon, pasok sa 33rd Warsaw International Filmfest

AMINADONG nawindang ang multi-awarded actor na si Allen Dizon sa X-rating na nakuha ng pelikula niyang Bomba (The Bomb), sa unang review nito. 
“Siyempre ay nagulat ako, nalungkot ako, dahil hindi ko naman ini-expect iyong ganoon. Kasi, ito ‘yung ginagawa mo talaga, ito ‘yung passion mo, ang gumawa ng pelikula, tapos mae-X ang pelikula mo. So, ang sama naman ng dating sa akin niyon bilang artista at bilang tao na rin,” saad niya.
Wika ni Allen, “Siguro, kasi medyo may pagka-brutal ‘yung killing sa pelikula e, pero hindi naman parang pa-wholesome or pa-cute ang pelikula, e. Kumbaga, ganoon talaga ang tinutumbok ng story e. Siguro nagkataon rin na baka gustong magpa-impress o mag-strict ng MTRCB. Nagkataon lang siguro na sa first review nila, siguro ay nagkataon lang na masama ang gising nila.
“Pero hindi ko masabing pinag-iinitan ang movie or what. Siguro may reason naman talaga, pero huwag namang ma-X iyong pelikula. Kumbaga, bigyan naman dapat ng pag-asa iyong pelikula.”
Ang naturang pelikula ay mula sa pamamahala ng award-winning director na si Ralston Jover, sa second review nito ay nakakuha ito ng R-13.
Samantala, sasabak ang Bomba sa 33rd Warsaw International Film Festival. Sa galing na ipinamalas dito ni Allen (nang mapanood namin ito sa special screening sa Fishermall last week), marami ang nagsasabi (kabilang na si Direk Ralston) na panlaban ang acting na ipinamalas ni Allen, bilang isang pipi na parang bombang sumabog nang sa isang iglap ay animo gumuho ang kanyang mundo.
Ano ang reaction mo na teaser pa lang, ang dami nang pumupuri sa iyo sa pelikulang ito?  Saad ni Allen, “Siyempre nakaka-excite para sa akin na ma-appeal ‘yung trailer, siyempre nae-excite ako lalo na kasi, ipalalabas na namin ito sa Warsaw at isang A-list festival ito. Siyempre iyon ‘yung parang bonus, ‘di ba? International release na kasi agad, festival na agad. Sana ay mas maganda ‘yung kalalabasan kapag napanood na ng mga tao ‘yung pelikula. Pero siyempre, nakatataba ng puso ‘yung mga papuri. Everytime naman, lahat naman ibinibigay ko ‘yung best ko e, bilang artista.”
Aminado rin si Allen na isa ang Bomba sa pinakamahirap at challenging na papel na ginawa niya. “Para sa akin, isa ito sa pinakamahirap at pinaka-challenging, ang hirap kasing maging pipi, wala kang dialogue e. At mahirap din pag-aralan iyong sign language at kung paano sila gumalaw.”

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *