Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Token Lizares, bilib kay Daniel Padilla

HINDI maitago ng Charity Diva na si Token Lizares ang paghanga sa Kapamilya star na si Daniel Padilla. Sobrang bait daw kasi ni Daniel nang na-meet niya ang actor.
Ani Ms. Token, “Si Daniel ay na-meet ko iyan thru Tita Mercy Lejarde niya at napakabait na bata niyan, napaka-humble, down to earth… kaya kung bibigyan ng chance na makatrabaho ko siya, dream come true iyon. Of course, kabilang ang KathNiel sa hinahangaan kong love team, kahit maging tita nila ako sa movie ay okay, siyempre ang love team na iyan ay hinahangaan ng marami talaga, e.”
Samantala, masaya ang Charity Diva sa magandang pagtanggap sa album niyang Till The World is Gone. ”Happy ako sa magandang pagtanggap sa album ko na Till The World is Gone under Ivory Records. Mabibili na nila ang hard copy sa lahat ng Astrovision at Astoplus music stores nationwide sa halagang P250 lang. Hindi na natin mamahalan iyan, para everybody can afford it. Kahit iyong masa, they can afford to buy,” wika niya.
“Mayroong minus one iyan, limang track with five minus one. Nasa YouTube na rin ang MTV niyan. Ang digital copies, you can buy it sa Spotify, Amazon, GooglePlay, iTune… at maririnig na iyan sa mga radio stations like sa DZBB 594 at sa PinasFM 95.5, coming soon sa EnergyFM.
“I would like to thank all those who have supported my album launching. Ang lahat ng bumili ng albums ko, nagpapasalamat ako sa Aficionado’s, kay Joel Cruz na kaibigan kong matalik dahil napaka-supportive niya at Ysa’s Skin Care Clinic ay pinapasalamatan ko. At lahat ng friends ko sa media dahil kung wala kayo ay wala ring Token Lizares, ginagamit kayong lahat ng Diyos for me.”
Mapapanood din si Ms. Token sa indie film na Delete, Ang Mga Salot sa Lipunan starring Joel Ortega ng Hagibis, Patricia Javier, Leo Martinez, Dan Alvaro, Efren Reyes Jr., at iba pa, directed by Bert Abihay Dagundong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …