Sunday , November 24 2024

Jemina Sy, bilib sa galing ng komedyanteng si Empoy Marquez

LALONG ginanahan sa kanyang showbiz career si Jemina Sy dahil sa award na natamo bilang Most Promising Indie Actress mula sa Gawad Sining Short Film Festival 2017. Ang natamo niyang award ay para sa Bubog na gumanap siya bilang informer ng mga drug pusher. Ang pelikula ay pinamahalaan ni Direk Arlyn dela Cruz at tinampukan nina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, at iba pa.

“Happy at flattered ako dahil kahit paano ay napansin ang talent ko kahit bago pa lang ako sa showbiz industry at ibang industy ang kinamulatan ko. Dahil dito, mas ganado akong sumabak sa acting ngayon. Thank you for recognizing my talent as an actress, hahaha!” Nakatawang pahayag niya.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni direk Arlyn na mas humuhusay na siya bilang aktres? “Siyempre happy na carry ko na rin talaga siya, considering na wala akong mga workshop naman before ng acting, e, never pa akong nag-workshop sa acting.”

Samantala, ipinahayag din ng lawyer-actress ang kanyang pagkabilib sa komedyanteng si Empoy Marquez. Si Empoy ang bida sa pelikulang The Barker na mula naman sa pamamahala ng veteran-comedian na si Dennis Padilla. “Magaling siya, magaling na komedyante si Empoy. Kasi sa itsura pa lang niya, nakakatawa na talaga. I think si Empoy is one of the rising comedians natin ngayon. I think very promising na rin siya na maging Comedy King of the Philippines.” Aniya.

Parang leading lady ka na rin daw ni Empoy Marquez sa The Barker? Mabilis na sagot ni Atty. Jemina, “Ay hindi ‘no! hahaha! Ang leading lady ni Empoy ay si Shy Carlos. Supporting lang ako rito, ako iyong may-ari ng jeep and brother ko si Gary Lim.

Abangan n’yo ang movie na ito, nakakatuwa kasi talaga siya e, habang nagsu-shooting kami, tawa nang tawa kami, enjoy siya, enjoy katrabaho ang casts at si Direk Dennis.”

Ano ang masasabi mo kay Dennis bilang direktor? “Okay naman siya, magaling siyang director at very professional. Hindi siya mahigpit at ka-vibes ko naman siya, close na kami ni Direk Dennis, e, hahaha!” Nakatawang wika niya.

Ipinahayag niyang espesyal sa kanya ang The Barker dahil ang ilang eksena rito ay sa kanilang tahanan kinunan. “This movie is very special to me, as some scenes were taken in our house. Our home, which was once a favorite location for movies and TV programs decades ago, will be back on the screen after more than 20 years.”

Bukod sa pelikulang Recipe for Love at Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina, mayroon din siyang radio-TV show na Legally Yours, Jemina sa DZIQ every Saturday, 10:30-11 pm, na posibleng magsimula na ngayong September.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *