Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diego at Sofia, nagka-ayos na bilang magkaibigan na lang

SPEAKING of Diego Loyzaga at Sofia Andres, mukhang nagkasundo na lang silang Friends dahil base sa tsika sa amin, in speaking terms na sila sa set ngPusong Ligaw na rati’y deadmahan talaga o kaya nag-uusap lang kapag may eksena sila.

Marahil ay nag-usap na unahin muna nila ang careers nila lalo’t pareho naman silang struggling pa. Aminin nila Ateng Maricris hindi pa stable ang career nila dahil wala pa naman silang hit movie. Naunahan na nga sila nina Maymay Entrataat Edward Barber plus Kisses Delavin at Marco Gallo sa Loving in Tandem na ipalalabas na sa Setyembre 13.

Going back to Diego, binati naman niya ang lady love niya sa nakaraang kaarawan nito na ipinost niya sa kanyang IG account, ”Happy Birthday to this pabebe (but not so baby anymore) young lady. One more year wala ka nang “teen”. Halaaaaa! I wish for you only good things…I’m grateful for all the memories and opportunities we’ve shared together and excited to see what the future holds for us both. Always remember, andito lang ako para sayo, @iamsofiaandres”

Hayan, klarong-klaro nga na wala na sila at hoping na lang sila kung sila pa rin in the future.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng Pusong Ligaw ay alam na ni Potpot (Diego) na napulot lang siya ng mga kinikilala niyang magulang na sinaSmokey Manaloto at Almira Muhlach.

Hindi magawang magalit ni Potpot sa tumayong magulang niya dahil walang ipinakitang masama sa kanya at inalagaan siya nang husto kaya mas lalo siyang ganadong magtrabaho para sa pamilya niya.

Ipinasok siya ni Sofia bilang Vida na maging modelo sa House of Teri na ilo-launch isa sa mga araw na ito.

Abangan ang mga susunod na mangyayari sa Pusong Ligaw ngayong hapon dahil alam na ni Bianca King (Marga) ang sikreto ni Bianca Gonzales (Teri) tungkol sa tunay nitong anak at si Popot (Diego) iyon.

Gumagawa ng sariling imbestigasyon din ang asawa ni Teri (Beauty) na siRaymund Bagatsing (Jaime) kung saan mahahanap ang anak niya.

FACT SHEET
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …