Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga Taong Ibon, tiklop ang pakpak sa mga bampira at lobo

ISA pang pakiwari namin ay suicide ang ginawang hakbang na itapat ang Mulawin vs Ravena sa La Luna Sangre. Feeling siguro ng mga Taong Ibon ay kaya nilang talunin ang mga bampira at lobo.

Paano mangyayari iyon, sa fans palang ni Sandrino (Richard Gutierrez) ay halos talunin na niya ang supporters’ ng mga bida ng Taong Ibon.

Eh, paano pa ang fans ng KathNiel na talagang nakatutok gabi-gabi sa LLS bukod pa sa mga nanonood sa IWantTV na hindi umaabot sa regular programming katulad mo, Ateng Maricris?

Kaya naman parehong tumiklop ang mga pakpak ng mga Taong Ibon sa mga bampira at lobo nitong Lunes sa rating na 33.7% vs 14.7%. Hindi pa nagkasya dahil sinundan pa noong Martes sa rating na 32.7% vs 13.5%.

Noong una panay ang komento namin na ang dami-dami o padagdag ng padagdag ang cast sa La Luna Sangre kaya nakalilito na, pero malaking tulong iyon para sa programa dahil sa bawat cast ay may sariling followers, eh, ‘di makatutulong nga sa pagtaas ng ratings.

Ganito rin naman ang ginawa ng Mulawin vs Ravena, katunayan halos lahat na ng artista ng GMA 7 ay isinaksak na nila, pero parang hindi naman din nakatulong kasi lagi naman silang nalalamangan ng mga programa ng ABS-CBN.

Anyway, may nagtanong sa amin habang tinitipa ang kolum na ito, ”hanggang kailan ang ‘La Luna Sangre’?”

Sabi namin, ‘naku, hindi namin alam dahil hangga’t maganda ang ratings at feedback plus maraming TV ads ay asahan mong mae-extend ito.’

Sabay binalikan namin ng tanong ang kausap namin, ‘hanggang kailan ba ang ‘Mulawin vs Ravena’? Hindi pa ba sila pagod lumipad?’

Nagkatawanan na lang kami, hay kuwentuhang showbiz.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …