As of this writing ay hanggang Enero 2018 ang alam ni direk Malu ang airing time ng FPJ’s Ang Probinsyano.
“Hindi pa natin alam, alam mo naman, ‘di ba? Paano mo aalisin ang mataas na ratings?” sabi sa amin.
Sa tanong ulit namin na kaya nagtagal si Yassi Pressman bilang leading lady ni Coco ay dahil hindi nito kayang tumayong mag-isa o magdala ng show hindi katulad nina Maja Salvador na may Wildflower at si Bela Padilla na kaliwa’t kanan ang pelikula.
“Really? Well, I can’t argue with 23 endorsements, ha, ha, ha. ‘Yun lang ang masasabi ko,” tumawang katwiran sa amin.
Dagdag pa, ”I like Yassi, napakagaang katrabaho, siya ang joy sa taping, masayahing tao, walang isyu, walang problema, masarap ka-trabaho.”
In fairness, maayos ngang katrabaho si Yassi kaya siguro gusto siya ni Coco, walang isyu sa katawan.
FACT SHEET – Reggee Bonoan