Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Soundtrack album ng The Better Half, nakaka-LSS

MAGANDA ang soundtrack album ng seryeng The Better Half (tulad din ng album ng FPJ’s Ang Probinsyano) dahil magaganda at nakaka- LSS (last song syndrome) tulad ng Marcos’ Theme: Saglit at Malaya na parehong kanta ni Moira Dela Torre. Ang Hanggang nina Morissette at Erik Santos; Anong Nangyari sa Ating Dalawa ni Aiza Seguerra; at Bawat Daan ni Ebe Dancel.

Napakikinggan na pala ang playlist sa starmusicph.com, itunes.ph, at Spotify.

Sa mga gustong makita ng personal ang mga bida ng seryeng The Better Half na sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera, at Denise Laurel, pumunta sa Robinson’s Antipolo Atrium sa Sabado (August 5), 5:00 p.m. para sa mall show cum fans day.

Anyway, base sa tumatakbong kuwento ngayon ng The Better Half, alam na ni Camille (Shaina) na may kinalaman si Bianca (Denise) sa pagkamatay ni Sheryl (Regine Angeles) matapos mabasa ang sulat ni Jonas (Gerald Madrid).

Binuksan na ulit ang kaso laban kay Bianca (Denise) at maghahanap sila ng mga testigo para madiin ito at isang tao ang magpapatunay nito, si Ferdie.

Magtutulungan namang umalis si Bianca (Denise) ng bansa at ama nitong si Alfredo (Bart Guingona) at matutunugan ito nina Camille (Shaina), Rafael (JC), at Marco (Carlo) ang kanilang plano kaya susundan nila ang dalawa.

Si Alfredo (Bart) sa kagustuhang masagip ang anak ay makikipagbuno sa mga police at kalauna’y mababaril. Hindi matatanggap ni Bianca (Denise) ang nangyari sa ama kaya ipinangakong maghihiganti kay Camille (Shaina).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …