Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin fans umalma sa banat kontra MMFF entry na “Ang Panday” (Sa banat ni Juana Change)

 

MARESPETONG artista si Coco Martin, kaya malabong patulan ang mga birada ng Tabachingching na si Juana Change o Mae Paner (in real life) tungkol sa entry niya sa Metro Manila Film Festival 2017 na “Ang Panday” na hindi lang bida si Coco kundi director at producer ng malaking film project.

Narinig na sinabi raw ni Mae, dating nasa selection committee ng MMFF na kaya raw nakapasok sa festival si Coco ay dahil sa impluwensiya ng isa sa ExeCom ng MMFF na si Sen. Grace Poe. Mabilis na pinabulaanan ni Ms. Susan Roces at sinabi ng beteranang aktres at artista ng FPJ’s Ang Probinsyano, bagama’t pelikula ng nasirang mister na si Fernando Poe, Jr., ang “Ang Panday” ay hindi raw ito pag-aari ni Da King kundi ang may karapatan ng rights nito ay walang iba kundi ang sumulat ng istorya ng klasikong pelikula na si Direk Carlo J. Caparas, unang nakilala bilang nobelista ng mga popular na komiks noon.

Saka mukhang wala yata sa huwisyo itong si Juana Change na ang type maging entries uli sa MMFF ay puro indie movies. Ano ba kasi ang napala ng festival nang bigyan nila ng prayoridad noong isang taon ang mga indie? Hindi ba’t nilangaw ang ilan rito at kung kumita man ay hindi umabot sa kanilang expected na income. Kaya mas maganda kung maging bukas ang mga mata mo Mae, at huwag nang mag-ilusyon o ipilit ang gusto ninyo, na ayaw namang tangkilikin ng mga manonood.

And speaking of Ang Panday, nakaiilang shooting days na si Coco at mga co-star at namataan sila last week na nagte-taping ng ilang eksena sa Kamuning Market na lahat ng tindera at customer roon ay ‘Cardo’ ang tawag kay Coco.

 

BOOK 2 NG FPJ’S
ANG PROBINSYANO
#1 PA RIN SA RATING
NA 40.4% SA ABS-CBN
PRIMETIME BIDA

We heard, na ang buong linggo ni Coco Martin except for Sundays ay inilalaan ng sikat na Kapamilya actor sa taping ng bagong libro ng kanyang FPJ’s Ang Probinsyano na thrice a week ang tapings at ‘yung tatlong natitirang araw ay para naman sa shooting niya at pagdidirek ng “Ang Panday.”

Kahit sobrang pagod sa ngaragang trabaho ay masaya pa rin si Coco dahil patuloy na tinatangkilik ang kanyang action drama series.

Sa episode nila nitong Lunes, sa harapan nila ng lider ng rebeldeng Pulang Araw na si dating senador Lito Lapid bilang Romulo Dumaguit, na hostage siya sa kuta ng mga nasabing rebelde ay humamig ang naturang episode ng high nationwide rating na 37.8% at 40.4% sa Rural at ‘yan ay base sa latest survey ng Kantar Media.

Makakawala ba sa Pulang Araw at mawalis nga kaya ni SPO2 Cardo (Coco) na ngayon ay kabilang sa Special Action Force (SAF) ng PNP ang naturang grupo ng mga rebelde na kinabibilangan ng dalawang taksil na miyembro na sina Homer (Jhong Hilario) at Roldan (Ronwaldo Martin) na parehong involve sa pinatay na si Colonel Capili (Dino Pastrano) na nag-utos sa kanila ng magtanim ng bomba sa matataong lugar na isa sa biktima at nasawi ay anak nina Cardo at Alyanna (Yassi Pressman) na si Ricky Boy.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN-2 o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Puwede rin mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

 

GERALD, NADUROG
SA NABUNYAG NA LIHIM
NG PAGKATAO SA “IKAW
LANG ANG IIBIGIN”

Kaaawaan mo talaga ang karakter ni Gerald Anderson bilang Gabriel sa top-rating daytime series na “Ikaw Lang Ang Iibigin” lalo sa napanood last Friday episode ng soap na nalaman ng binata ang buong katotohanan sa tunay niyang pagkatao na anak siya nina Ma’am Victoria (Ayen Munji-Laurel) at Rigor (Daniel Fernando).

Sa eksenang ito ay matinding emosyon ang pinakawalan ni Gerald, na umiiyak habang sinasabi sa kanya ng girlfriend na si Bianca (Kim Chiu) ang nalamang sikreto at galit naman ang kanyang pinakawalan sa amang si Rigor, habang tinatanong kung totoo bang anak siya ni Victoria.

Pero ang hindi alam ni Gabriel at mukhang walang rin plano si Rigor na ipaalam sa kanya, na tunay niyang ama ang mayamang negosyanteng si Roman dela Vega (Michael de Mesa) na sobrang bait sa kanilang dalawa ni Bianca.

Maitago rin kaya ang lihim na ito sa galit

na galit na si Roman? Si Victoria kinamumuhian siya ngayon ng lahat lalo na ng Lola Ganda ni Gabriel na si Lydia (Gina Pareno) na kinukuwestiyon ang pagiging isang ina na nagawang talikuran ang anak na si Gabriel para sa kanyang ambisyon.

Mas intense sa rami ng pasabog ang mga susunod pang episodes sa ILAI, kaya’t mas tutok pa tuwing 11:30 ng umaga pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …