NANANATILI pa rin palang magkaibigan sina Piolo Pascual at Cong. Yul Servo kahit pa inintriga sila noon na may relasyon sila.
Ayon kasi sa huli, tuloy pa rin ang communication nila ng una. Na nagti-text-an pa rin sila. Noong nakaraang birthday nga ni Piolo noong January, ay sa kanyang distrito ipinagdiwang ang kaarawan ng aktor.
Kuwento ni Yul, ”Parang dinala niya ‘yung ‘ASAP’ tapos namigay siya ng Dunkin Donuts, Mega sardines, tapos groceries 5,000 na tao ang pinasaya namin noon, nakatutuwa. ‘Di kami madalas magkausap pero ‘yung pagkakaibigan, nandiyan na.”
MA at PA – Rommel Placente