NAGPA-DRUG test si Baron Geisler noong July 6 at negative ang resulta, na ang ibig sabihin ay hindi gumagamit ng droga ang aktor.
Ipinost ni Baron ang resulta nito sa kanyang Instagram account. At ang caption niya ay, “Mukha lang akong goons, pero malinis ito.”
Sa kabi-kabila kasi ng eskandalong kinasangkutan ni Baron, marami tuloy ang nag-iisip na gumagamit siya ng droga. Pero ‘yun nga, negative sa drug test si Baron.
Alcoholic nga lang siya siguro at hindi siya drug addict, ‘di ba?
(ROMMEL PLACENTE)