Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bembol, nag-breakdown sa isang eksena

 

ANG “I love you!”

Nauna kaming nakapanood ng isa sa anim na pelikulang itatampok sa TOFARM Film Festival (simula ngayong araw, Hulyo.12) na taunang adbokasiya ni Dr. Milagros O. How, ang What Home.Feels Like.

Sina Irma Adlawan at Bembol Roco ang pangunahing mga tauhan dito kasama sina Biboy Ramirez, Rex Lantano, Aaron Rivera, at Bianca Libinting.

Halos lahat ay siguradong makare-relate sa istorya ng mag-anak na ang ama ay sumasakay ng barko at halos nalampasan na ang mahahalagang buhay ng kanyang mag-iina.

Ilang beses sa ilang eksena kaming pinaiyak nina Irma at Bembol—sa pagpaparamdam ng kanilang mga damdaming nagbunga ng mga paglilihim. Nakapagpahina ba ito o lalong nagpalakas sa pagharap nila sa buhay?

Istoryang para sa buong pamilya ang idinirehe ng bata pang direktor na si Joseph Abella.

Sa likod ng camera ay nagkaroon ng breakdown scene si Bembol. Dahil naalala niya ang kanyang kambal na sina Felix at Dominic sa mga anak niyang kambal din sa pelikula.

Matutunghayan ang eksenang nagkakainan sila after ng graduation ng kanyang kambal na nag-monologo si Bembol. Afer that take, ang tunay na breakdown niya sa naalala sa tunay niyang mga kambal.

Nasabi niya kaya ang mga katagang, “I love you” sa mga ito? Na mas mahirap talagang bigkasin ng isang ama.

Magdala ng panyo o tisyu sa sinehan. Rated PG by the MTRCB!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …