Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty, masuwerte sa asawa at career

BASE sa panayam ng ABS-CBN News kay Beauty Gonzalez, isa sa bida ng Pusong Ligaw, sobra ang pagpapasalamat niya sa blessing na natatanggap niya ngayon lalo na sa showbiz career niya na nabigyan siya ng ikalawang pagkakataon.

Nang magbuntis kasi si Beauty, akala niya ay hindi na siya makababalik sa showbiz o matatagalan pa kaya nagulat ang aktres nang banggitin sa kanya na kasama siya sa seryeng Pusong Ligaw (napapanood sa hapon pagkatapos ng It’s Showtime).

“Ito na, nangyayari na talaga,” sabi ni Beauty. “I mean, lahat ng wishes ko nangyayari. To have a family, and also my career is back.

“Parang everything is going so well, happy lang sa personal life dahil nandiyan ang family ko, ang asawa ko (si Norman Crisologo) at ang anak namin (Baby Olivia), ‘tapos na-revive pa ang career ko, so kompleto na.”

Nasabi rin ng aktres na masuwerte siya sa asawa niya dahil bukod sa mabait na ay kasundo pa nito ang mga anak sa una.

“Masaya kasi they told me na they’ve never seen their dad so happy with me, na ngayon lang nila nakitang sobrang masaya si Norman.

“And they are very supportive at nakatutuwa kasi kompleto sila sa wedding and they are all very nice to me, pati ang family ni Norman. Thank you, kasi I do really love Norman and I want to be with him forever.”

Samantala, gustong-gusto ng mga sumusubaybay ng Pusong Ligaw ang mga balitaktakan nina Tessa (Beauty) at Marga (Bianca King).

At sa muling pagkikita nina Beauty at Caloy (Joem Bascon) ay nabuhay ang damdamin nila sa isa’t isa pero halata namang iniiwas ng una ang sarili. Inaabangan kung hanggang kailan niya ito makakayang kontrolin.

Bukod kina Beauty at Joem ay kasama rin sina Sophia Andres, Diego Loyzaga, Bianca King, Enzo Pineda, at Raymond Bagatsing mula sa Star Creatives.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …