NAGPAALAM na si Direk Cathy Garcia Molina sa mga taga-subaybay ng La Luna Sangre dahil iiwanan na niya ang programa.
Si direk Cathy kasi ang direktor ng pelikulang Seven Sundays na pagbibidahan nina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes, at Dingdong Dantes mula sa Starcinema.
Ipinahayag ito ng direktor sa ABS-CBN news sa ginanap na story conference noong Martes sa Starcinema office kasama ang mga artista.
Nabanggit din ni direk Cathy na masakit din sa loob niyang iwan ang La Luna Sangre dahil mahal niya ang dalawang bidang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil ‘babies’ niya ang dalawa simula pa sa seryeng Got To Believe.
Anyway, sina direk Richard Arellano at GB Sampedro ang makakapalit ni direk Cathy sa LLS.
FACT SHEET – Reggee Bonoan