Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong busy sa trabaho ‘di sa Play Station

PRRD WALANG SAKIT. Taliwas sa ipinakakalat ng oposisyon, walang sakit si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pinatunayan ito sa ipinamahaging retrato sa Palace reporters kahapon, dakong 5:52 pm na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.
PRRD WALANG SAKIT. Taliwas sa ipinakakalat ng oposisyon, walang sakit si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, pinatunayan ito sa ipinamahaging retrato sa Palace reporters, na subsob sa mga gawaing-papel sa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila.

NAGPASARING ang Palasyo na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay busy sa trabaho at hindi sa play station.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang dapat ikabahala ang publiko sa ilang araw na hindi pagpapa-kita ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil style niya ito.

Kahit aniya nawala sa mata ng publiko si Pangulong Duterte pero tuloy ang pagganap ng tungkulin bilang Punong Ehekutibo ng bansa, hindi gaya ng iba na naging abala sa paglalaro ng Play Station.

“Style po niya ‘yun, ‘di ba? May kanya-kanya tayong work mode. Unang-una, hindi ba, hindi pa tapos talaga ’yung kanyang pahinga. Pero on the other hand, nakita natin na tuloy-tuloy siyang gumawa. So iba-ibang workload lang. May ibang tao, you know, they play PlayStation, whatever, but you have— some people are more just… Some people are just busier,” ani Abella.

Matatandaan, naging pangunahing puna kay dating Pangulong Benigno Aquino ang pagkahilig niya sa portable Play station (PSP).

Sa kasagsagan ng Luneta hostage crisis noong 2010, itinanggi niya ang akusasyon na kaya hindi agad natugunan ang krisis ay dahil nakatutok siya sa PSP.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …