Saturday , February 21 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sekyung buryong nagkulong sa Centris

062217_FRONT
BUNSOD ng kalasingan, nagwala at ini-hostage ng isang security guard ang kanyang sarili sa loob ng Eton Centris commercial complex sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar,  makaraan ang limang oras na negosas-yon, sumuko ang suspek na si Herminigildo Marsula, Jr., ng Palmera Northwind City, Phase 2B, Lot 16, Brgy. Kaypian, San Jose del Monte, Bulacan.

Nauna rito, dakong 3:00 am, makaraan maki-pag-inoman sa kapwa guwardiya sa security office, kinuha ni Marsula ang kanyang baril at lu-mabas saka tinutukan si Alegre Aquino.

Tumakbo palabas si Aquino at ipinaalam ang insidente kay PO1 Alvin Estilles ng Centris Police Action Center.

Agad nagresponde si PO1 Estilles ngunit tinutukan siya ng baril ni Marsula at pagkaraan ay pumasok at nagkulong sa security office.

Tumangging lumabas si Marsula bagama’t dumating ang kanyang misis at bayaw.

Ngunit nang ipaalam na susunduin ang kanyang 12-anyos  anak na may sakit na hemophilia, sumuko si Marsula dakong 8:10 am. Si Marsula ay nakatakdang kasuhan ng alarm and scandal, grave threats, physical injuries, at illegal possession of firearms.

ni ALMAR DANGUILAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Digital Payment Money

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang …

prison shadow

PDL nakapuga sa provincial jail

KASALUKUYANG nagsasagawa ng pinaigting na manhunt operation ang pulisya matapos makatakas ang isang PDL (person …

PLA Air Force Aviation Plane

Sa Zambales
Jet fighter pilot ng China tiklo sa pag-eespiya

KINOMPIRMA ni National Security Adviser Eduardo Año ang ginawang pag-aresto sa isang Mongolian national na …

Norzagaray Bulacan police PNP

2 bagitong motornapper timbog sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang lalaking sangkot sa kasong pagnanakaw ng motorsiklo sa Brgy. …

LTO Land Transportation Office

Patakaran sa pagmamaneho nilabag
3 driving schools sa Tarlac pinatawan ng parusa ng LTO

PINATAWAN ng parusa ng Land Transportation Office (LTO) ang tatlong driving school sa lalawigan Tarlac …