Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

My Love From The Star, pinasadsad ng La Luna Sangre

WALA na, lalong hindi na naman nag-rate ang My Love From The Star dahil sa La Luna Sangre na sa pilot episode pa lang ay nagkamit na ang 33.9% vs 13.8% mula sa Kantar Media survey nationwide.

Susme, mahigit sa kalahati ang lamang ng LLS sa MLFTS kaya imposibleng i-claim na naman ito ng taga-GMA 7 na panalo sila sa ratings game.

At hindi pa lumilitaw sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kuwento dahil developing story palang ang ipinalabas bilang mga batang Tristan at Malia.

In fairness, kasama si Hashtag Paulo Angeles sa cast at may highlight kaagad siya dahil siya ang opening ni direk Cathy Garcia-Molina na akala namin ay TVC lang dahil nagmamaneho at may kausap sa cellphone na nakangiti hanggang sa may nasagasaang tao kaya bumaba ng sasakyan pero wala pala at noong pasakay na ulit ay nakita niya sa side mirror niya ang lalaking bampira at sinakmal siya.

Ipinakita rin kung gaano kasaya sina Mateo (John Lloyd Cruz) at Lia (Angel Locsin) sa bagong buhay nila sa bukid dahil maski sa harap ng anak nilang si Malia ay naglalambingan sila.

May back story si direk Molina para hindi malito ang mga mga hindi pa nakapanood ng Lobo at Imortal.

Ang Lobo ay tungkol sa karaniwang tao na ginampanan ni Piolo Pascual (Noah) nagkagusto sa isang Lobo na ginampanan ni Angel (Lyka) hanggang sa naging Imortal na ginampanan naman nina John Lloyd bilang Mateo at si Angel ulit as Lia at sa La Luna Sangre ay si Malia ang naging anak nila.

Kasama rin sa cast si Wowie de Guzman bilang taong gobyerno na nagbigay ng babala kina Victor Neri, Ina Raymundo, Joross Gamboa, Bryan Santos at marami pang iba na may Bampirang nanggugulo dahil sa pagkawala ni Hashtag Paulo.

Grupo nina Mateo at Lia sina Joross (Lobo) at Bryan (Bampira) kaya nagkatinginan ang dalawa at kailangan nilang humingi ng tulong.

Pinuntahan ni Joross sina Mateo at Lia na nag-anyong Lobo kaya hindi siya kaagad nakilala ng dalawa hanggang sa nagbalik-anyong tao at sinabi nito ang problema sa konseho at kailangan nila ang tulong ng dalawa dahil may masamang plano ang grupo nina Victor at Ina.

Umayaw sina Mateo at Lia dahil ayaw na nila ng magulong buhay at ang inaalala na lang nila ay ang anak nilang si Malia na masaya sa dinaranas na buhay sa bukid.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …