Thursday , June 4 2026

Ward aakyat sa heavyweight division

IMPRESIBO ang panalo ni WBA, WBO at IBF light heavyweight champion Andre “SOG” Ward (32-0, 16 KOs) kay Sergey “Krusher” Kovalev (30-2, 25 KOs) sa rematch nila nung Linggo  sa Las Vegas.

Sa nasabing laban ay nag-ambang maghahain ng protesta ang kampo ni Kovalev sa naging resulta ng laban dahil sa inaakala nilang “low blow” ang tumama sa bodega nito sa 8th Round na naging daan para bugbugin nang tuluyan ni Ward ang challenger.

Pero nang rebyuhin ang tape ng sinasabing low blow, naging malinaw sa lahat maging sa mga hurado na lehitimong suntok sa tiyan ang nagpagiba kay Kovalev.

Ngayong itinuring na undisputed light heavyweight champion si Ward, marami ang nagtatanong na miron sa boksing kung aakyat sa mataas na timbang ito sa cruiserweight o heavyweight division.

Nang kapanayamin ng mga mamahayag si Ward ay ganito ang kanyang naging kasagutan,  “It’s serious, that’s a real thing.”

“I don’t have anything on the books right now for a cruiserweight fight, a heavyweight fight. I know it sounds crazy when you’re a light heavyweight, and I’m not the biggest light heavyweight,

“I do really well against big fighters because of my stamina, and though I’m not the biggest, I’m strong. So if the right opportunity and the right fighter comes along, anything is possible. That’s not just talk, that’s real,” dagdag na pahayag ni Ward.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …