Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
enrique gil

Enrique bilang si Captain Barbell

Kung si Liza ang bagong gaganap na Darna, may balitang gagawin naman ni Enrique ang Captain Barbell na isa ring Pinoy superhero.

Ayon kay Liza, kung totoo man ;yun ay magiging masaya siya para kay Enrique.

“That would be good. I think bagay siya sa role naman. Ang laki ng katawan ni Quen, eh,” natatawang sabi ni Liza.

Si Edu Manzano ang gumanap na Capatain Barbell noon sa pelikula. May cameo role roon si Sharon Cuneta bilang si Darna. Noong nagkita sina Sharon at Liza ay nagpa-selfie ang una sa huli. Bilang gumanap na rin na Darna si Sharon, may ibinigay ba itong payo sa kanya as the newest Darna?

“Hindi pa po yata niya alam noong nagkita kami, wala naman po kasi siyang sinabi sa akin. That was the day na nag-announce sila (Star Cinema) na ako ‘yung ‘Darna’. But I watched her interview sa ‘Magandang Buhay’ or ‘GGV’ yata ‘yun. Tapos ayun, parang supportive naman siya sa akin. I’m very happy that Ms. Sharon Cuneta is very supportive of me. And she’s very sweet. ‘Pag nagkikita kami she kisses and hugs me. And tells me how much she loves me. I love her too.”

Sa mga stunt na gagawin niya sa Darna, hindi ba niya iniisip na magpa-double?

“As much as possible, no!  I wanna do all my stunts. And ang hirap din kasi ‘pag dadayain. But if it becomes life threatening, of course I’m gonna have someone do that for me, cause I don’t wana risk my life naman.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …