Tuesday , December 24 2024

Foreign journalist tinamaan ng sniper bullet (Sa Marawi)

NAGKILOS-PROTESTA sa harap ng Korte Suprema ang grupong Partido Lakas ng Masa upang manawagan sa pamahalaan na itigil ang pagpapasabog sa Marawi City, habang nagaganap ang ikatlong araw ng oral argument kaugnay sa idineklarang martial law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte. (BONG SON)
NAGKILOS-PROTESTA sa harap ng Korte Suprema ang grupong Partido Lakas ng Masa upang manawagan sa pamahalaan na itigil ang pagpapasabog sa Marawi City, habang nagaganap ang ikatlong araw ng oral argument kaugnay sa idineklarang martial law sa Mindanao ni Pangulong Rodrigo Duterte. (BONG SON)

TINAMAAN ng “sniper bullet” ang isang foreign journalist sa loob ng compound ng Lanao del Sur provincial capital nitong Huwebes, habang nagko-cover sa krisis sa Marawi City, ayon sa ulat ni Pre-sidential spokesman Ernesto Abella.

Kinilala ang journalist na si Adam Harvey ng Australian Broadcasting Corporation, tinamaan ng bala sa leeg. Siya ang unang journalist na nasugatan sa Marawi siege.

Ayon sa kasama, kinukuhaan ng retrato ni Harvey ang mga batang naglalaro sa compound nang makarinig sila ng mga putok.

Nauna rito, hinubad ng foreign journalist ang kanyang bullet proof vest upang siya ay makapag-squat para makakuha ng mas mainam na retrato.

Ang capitol, malayo sa conflict areas, ay ikinokonsiderang pinakaligtas na lugar sa lungsod, doon nagtitipon-tipon ang mga opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno at doon nananatili ang mga journalist.

Si Harvey ay isasailalim sa x-ray upang mabatid ang tindi ng pinsala.

Samantala, pinayuhan ni Abella ang mga journalist sa Marawi “to stay out of trouble” at maging objective sa kanilang pag-uulat.

“I think they should be as objective as possible and see it in the context that this is basically an action of rebellion. Stay out of trouble,” pahayag ni Abella.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *