AY ang aking kababayan… kaytagal matuto.
Ilang beses na bang nabibiktima ng kanyang pagiging taklesa si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Hindi siya kasing ingat at singgaling (bagamat laging valedictorian) ng kanyang idolong si Niccolo Machiavelli…
Mas madalas, si Secretary Aguirre ay nagiging biktima ng kanyang sariling patibong.
Kumbaga sa pusa, nauuna pa siyang ma-swak sa bitag na inihanda para sa mga daga.
Ang siste, ilang beses na bang napapasok sa ganitong sitwasyon si Secretary Aguirre?

Justice secretary pa naman pero hindi niya ‘natitimbang’ ang mga katuwiran at katotohanan.
Wala na rin siyang ipinag-iba sa kanyang mga inuupakan. Pare-pareho silang maiingay at dakdakan nang dakdakan lamang.
Miyerkoles ng umaga nang maglabas ng isang retrato si Aguirre na supposedly ay larawan ng mga nag-udyok umano ng gulo sa Marawi pero pagka-Miyerkoles ng gabi, iba na ang sinasabi — misquoted umano siya ng media.
Wattafak!?
Mismong ang grupo ng mga mamamahayag sa DOJ ay naglabas ng pahayag ukol sa ‘misquoted alibi’ ni Justice Secretary.
Aba matikas ba namang sabihin na, “What I said was that there were reports that some opposition senators and leaders went to Marawi to recruit local politicians and warlords to destabilize the Duterte administration.”
Hehehe…
Olat na nga humirit pa, e ‘di lalong nabokya.
Kung may ebidensiya, sampahan agad niya ng kaso, huwag nang magdadaldal pa!
Sabi nga ni Senator Ping Lacson, wala talagang kadala-dala si Secretary Aguirre…
Ay sus!
‘KORUPSIYON’ SA BICUTAN
METRO MANILA DISTRICT JAIL
TINUTUTULAN NA NG MGA PRESO

HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com