Friday , August 15 2025

Direk Anthony Hernandez, hindi muna mahaharap ang teleserye

HINDI kataka-takang hangaan ang isang Anthony Hernandez dahil mula sa pag-aalaga ng mga artista, nakagawa siya ng short film, at nabigyang pagkakataong makagawa ng full length film.

Hindi rin basta-bata pelikula ang ginagawa ng isang Anthony Hernandez dahil karamihan dito’y advocacy film. Kaya naman siguro hindi rin malayo na alukin siyang gumawa ng teleserye.

Subalit ayon nga kay Direk Hernandez, mawawalan siya ng oras para gumawa ng mga pelikulang tulad ng ipalalabas sa Setyemre, ang New Generation Heroes kung pagtutuunan niya ang paggawa ng teleserye.

“Pero, hindi ko naman talaga tinatanggihan ang pagte-teleserye. Siguro tatapusin ko muna itong mga natanguan kong project, tapos tingnan natin, aayusin ko muna ang schedule ko,” sambit niya sa amin nang makausap sa pocket presscon ng pelikulang handog ng Golden Tiger Films na tinatampukan nina Anita Linda, Aiko Melendez, Joyce Peñas, at Jao Mapa.

Nakilala si Direk Hernandez sa paggawa ng mga advocacy films tulad ng A Passion of Journey, istorya ukol sa human organ trafficking na pinagbidahan ni Matteo Guidicelli.

Nakawalong pelikula na si Direk Hernandez kasama rito ang Buhay Nanay, Surrogate Mother, No Read No Write, at Tell Me Your Dreams. Ang huli ay pinagbibidahan din ni Aiko at ukol sa teacher na nagturo sa kabundukan at kinalinga ang mga katutubo.

Tulad ng Tell Me Your Dreams, ukol din sa istorya ng mga guro ang bago niyang handog na pelikula, ang New Generation  Heroes, dahil aniya, ”Ang ‘Tell Me Your Dreams’, talagang tribute namin sa teachers and indigenous people, kaya luckily nakuha namin si Aiko for that movie and happy naman kami sa kinalabasan. Napakahusay kasi talaga niya, saludo ako sa galing niya, kaya nasundan pa siya ng ‘New Generation Heroes’.

“Ang ‘New Generation Heroes’ kasi is based on true events. Ito ay nagpapakita ng apat na klase ng mga guro, na may kanya-kanyang kuwento. Makikita rito sina Salvacion Fajardo, Gener, Lolita, at Cora, ang apat na indibidwal na humaharap sa iba’t ibang pagsubok at pakikibaka sa buhay. Kung paano sila magpapakita ng katatagan ay siyang titimbang sa kanilang pagkatao. At kung paano sila gumawa ng desisyon sa bawat pagsubok ay siyang sasalamin kung paano sila hinubog ng panahon at mga leksiyon na natutuhan nila sa kanilang buhay, na sa kabila ng pagiging ordinaryong tao, ay matatawag din silang mga bayani ng makabagong henerasyon.”

Kasabay ng New Generation Heroes, tinatapos din ni Hernandez ang Ang Kuwento ng Piso na pinagbibidahan naman ni Empoy.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joey Marquez Alma Moreno

Joey at Alma napanatili ang pagkakaibigan

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng Fast Talk with Boy Abunda kamakailan kay Joey …

Kim delos Santos Dino Guevarra

Kim at Dino wala pang closure

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ng Fast Talk With Boy Abunda sa dating aktres na …

Anthony Constantino Shuvee Etrata

Anthony inamin panliligaw kay Shuvee

I-FLEXni Jun Nardo NANLILIGAW na ang Sparkle star na si Anthony Constantino sa kapwa Sparkle artist na si Shuvee Etrata. …

Marian Rivera

Marian napanatili ang kinang 

I-FLEXni Jun Nardo HAPPY, happy birthday sa nag-iisang reyna at dyosa na si Marian Rivera. Big …

RS Francisco

RS Francisco naudlot muling pag-arte sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANGHIHINAYANG man hindi talaga uubra na muling balikan ni RS Francisco ang pag-arte …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *