Monday , December 23 2024

Imelda, ‘pinatay’ ni Lani Mercado

00 Kalampag percyBUHAY na buhay pa ang biyuda ni yumaong Pang. Ferdinand E. Marcos na si dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos nang dumalo sa pinakahuling plenary session ng Kamara kamakalawa.

Ikinabigla ng marami ang masamang balita matapos mabasa ang pakikiramay mula sa personal Twitter account ni dating congresswoman Lani Mercado, ang maybahay ni dating senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., na nakabilanggo sa kasong plunder kaugnay ng P10-B pork barrel scam.

Humingi raw ng paumanhin si Mercado at ikinatuwirang na-hacked ang kanyang Twitter account matapos makatanggap ng tawag mula kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na nagsa-bing buhay pa ang kanyang ina.

Ang kaduda-duda, sa dinami-rami ng may account sa Twitter ay tila imposibleng kay Mercado ang napili ng ‘hacker’ na pasukin para ipakalat ang maling balita laban kay Gng. Marcos.

Pero ang nasisiguro natin ay may ibang pinanggalingan ang balita bago ang post ng pa-kikiramay sa personal Twitter account ni Mercado.

Ewan lang natin, pero parang mahirap paniwalaan na na-hack ang Twitter account ni Mercado.

Si Gng. Marcos ay isa lamang sa mga napatay sa social media kahit buhay pa.

PINAY OFW IKINUKULONG
NG AMO SA SAUDI ARABIA
POLO SA JEDDAH, DEDMA

EHLENZ ESTRERA (OFW, Jeddah) – “Ako po muli si Eleanor Estrera Cabanela muling dumudulog sa inyo. Please, gusto ko na pong umuwi. Makailang ulit na po ako nagsabi sa amo namin na ‘di ako pinapauwi, finished contract na po ako, 2-years and 7-months na ako. Sa Bisha, Saudi Arabia po ako, sakop ng Jeddha, KSA. Nagsumbong na ako sa Phil. Embassy at POLO. Sabi ng Embassy, ‘di daw nila hawak ang kaso ko, kaya sa agency ko raw ako magsumbong. Pero closed na po ang agency namin. Sabi ng POLO, natawag daw sila sa amo ko, hindi raw nasagot. Ewan ko kung totoo, imposibleng hindi nasgot. Pls. help me, namimis ko na ang pamilya ko. Maawa naman po kayo sa akin, nakakulong kami rito. Bawal lumabas, nakabibili lang kami patakas ‘pag walang bantay at hindi namin hawak ang aming passport at IQAMA. Wala rin po kaming rest day.”

PAL PALPAK, ALWAYS
DELAYED ANG FLIGHTS

JL RAVAL – “I hope you can look into the flight delay, particularly the Philippine Airlines, as they have taken advantage of the ASEAN as the primary reason for flight delays. Many tourists including locals who are not happy with this. For the past 6 months we have not been experiencing this only now. They are not even providing definite reason, only a generic answer such late arrival of aircraft or aircraft maintenance requirement. Please focus and review the process. Thanks!

FIRE EXTINGUISER
‘RAKET’ NG BFP
SA BATANGAS

(NAMEWITHELD) – “Sir, isa lamang po akong ordinaryong mamamayan na empleado sa pamahalaang bayan ng Mabini, Batangas. Gusto ko po sanang isumbong sa ating mahal na Pang. Duterte ang kasalukuyang hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga ilegal na gawain. Eto po ay ayon sa ipinalabas na memorandum ng Civil Service Commission (CSC). Mismong sa opisina po ng Mabini Fire Station madalas nagaganap ang negosasyon at bayaran ng mga fire materials, tulad ng fire extinguisher. Napakarami na pong kinitang salapi ang hepeng ito na sana po ay maimbestigihan, sa lalong madaling panahon.”

SSS MEMBERS PINAPIPILA
KAHIT DIS-ORAS NG GABI

LAARNI B. (Antipolo) – “Hello, I don’t know if sa inyo ito ire-report. I am an SSS member who is planning to apply for loan restructuring. Last day will be tomorrow, April 27. I reported in the SSS office in Cainta to process my loan last Tuesday at around 2:00 pm. They asked me to comeback the following day as they can no longer accommodate applicants. Now I reported in their office at 8:00 am and they told me again to comeback 2:00 am tomorrow morning as they can no longer accommodate us. I know President Duterte hated this practice of the government. Imagine asking us to come back at 2:00 am? We have our job and I went on leave just to process this. Can you do something about this? Can you make the process easier for those who want to restructure their loan? Shout out to SSS Management! I know the deadline is near but they should have anticipated the downpour of applicants – they should have added customer service officers who can handle our request.”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *