SA pagpapatuloy ng kuwento ng My Dear Heart, ang pagkakaisa at katatagan ng pamilya nina Jude (Zanjoe Marudo) at Clara (Bela Padilla) ang masusubkan ngayong muling nasa peligro ang buhay ni Heart (Heart Ramos) dahil sa mga Camilus.
Ngayon ngang nabawi na ni Francis (Eric Quizon) si Heart at ang tiwala ng pamilya De Jesus, gagamitin niya ang pagkakataong ito para pabagsakin at siraan si Dra. Margaret (Coney Reyes) na patuloy na lumubha ang ang sakit ng bata.
Sa kabila naman nito, hindi mawawalan ng pag-asa sina Jude at Clara na gagaling mula sa karamdaman ang kanilang anak at sama-samang ipadarama ang kanilang pagmamahal upang mapabuti ang kalagayan ni Heart.
Magtagumpay naman kaya ang mga Camilus sa kanilang mga plano? Huwag palampasin ang teleseryeng magpapaalala sa pusong magmahal, ang My Dear Heart, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
FACT SHEET – Reggee Bonoan