Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rosanna, balik-MMK via viral social media mom, Nanay Estrellita

SCHIZO mom! Espesyal ang Mother’s Day offering ng MMK (Maalaala Mo Kaya) sa May 8, sa Kapamilya, 8:15 p.m..

Magbabalik MMK ang mahusay na aktres na si Rosanna Roces sa isang mapaghamong papel. Gagampanan niya ang katauhan ng tinaguriang viral social media Mom na si Estrellita Calacala. Mula sa direksiyon ni Mae Cruz Alviar.

Ronnie Lazaro portrays Aurelio, her husband and Jana Agoncilllo is their daughter Princess.

Ang Bulakeñang naging internet celebrity ay nagbahagi ng kanyang mga karanasan sa kanyang mga netizen kaya naman aliw na aliw ang mga tao sa kanyang mga kuwento.

Si Nanay Estrellita ay nagkaroon ng simpleng nervous breakdown. Pero nang sa pakiwari niya eh magaling na siya matapos bumisita sa National Center for Mental Health, itinigil na niya ang pag-take ng gamot na ipinaiinom sa kanya.

Dahil 10 taon na wala siyang nararamdaman pakiwari ni Nanay Estrellita eh magaling na siya. Pero umulit ito kaya nagawa niyang maglagalag habang nagkakakanta sa kalye.

Para iiwas ang anak na si Princess sa pambu-bully dahil tinatawag ng luka-luka ang ina, inilayo ito ni Aurelio. At tinangka na nitong saktan ang anak at patayin ang asawa.

Umabot sa pagiging schizophrenic si Nanay Estrellita. Paano niya ginawang labanan ang lahat para muling mabuo ang pamilya?

This must ba Rosanna’s best performance yet!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …