Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sikat na loveteam, iniaangal na ng mga nakakatrabaho dahil difficult to work with na

HOW true, namroroblema ngayon ang management agency ng sikat na love team dahil sa ugali nila?

Naikuwento ng ilang staff ng kilalang advertising agency na may attitude problem pala ang magka-loveteam, ”difficult to work with” ito ang sabi sa amin.

Maaga pa lang daw ay naka-set up na ang studio na gaganapin ang shooting pero halos patapos na ang tanghalian nang dumating ang magka-loveteam at tila napilitan pang bumangon sa higaan.

“Parang kasalanan pa namin na maaga silang nagising kasi mga wala sa mood noong dumating kasi puyat daw sila. Alam mong may shoot ka, bakit ka nagpuyat?” katwiran sa amin ng staff ng advertising agency.

Bukod dito ay ang mahal pa raw sumingil ng management agency ng loveteam na unti-unti ng bumababa ang popularity ngayon dahil sa ugali nila.

Maraming production people kasama na rin ang mga taga-advertising agency ang umaayaw na kunin silang endorser.

“’Yung guy, medyo okay naman kausap, pero the girl, my God, feeling maganda kundi ko pa alam na pinakaskas ang kili-kili niya para pumuti,” pambubuking pa ng kausap namin.

Samantala, ang huling narinig namin tungkol sa magka-loveteam ay nagbaba na ng talent fee ang management agency nila para marami pa ring kumuha sa kanila.

Oh well, mahirap kasi ‘pag biglang sikat, dapat pinaghihirapan muna ito at manatiling humble habang umaangat ang career.  Sabi nga, huwag malunod sa isang basong tubig. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …