Wednesday , November 27 2024

Nora at Jaclyn, rarampa sa AIFFA 2017

IMBITADO ang Superstar na si Nora Aunor at Cannes 2016 Best Actress Jaclyn Jose sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2017, na gaganapin sa  Kuching, Malaysia ngayong May 4-6, at ayon sa kanilang mga kampo, kompirmadong dadalo ang dalawang multi-awarded actresses.

Si Nora ay bilang special presenter ng AIFFA Lifetime Achievement Award recipient sa awards night (hindi pa ipinaaalam ng Malaysian organizers sa press kung sino), samantalang guest speaker naman si Jaclyn sa hiwalay na program.

Noong 2015, si Ate Guy ang pinarangalan sa kanyang iconic status sa Philippine movie industry (now on her 50th golden anniversary). Noon ding taong iyon ay tumanggap ang Chinese superstar na si Jackie Chan  ng Asian Inspiration Award mula sa AIFFA.

Na-cut short ang Singapore trip ni Nora para sa kanyang voice therapy  para dumalo sa Malaysia at  lumipad via business class noong Mayo 2 at nag-check in sa Pullman Hotel.

Dalawang designer gowns ang pinagpilian ni Ate Guy na kanyang isusuot sa Gala Night sa May 6.

Looking forward naman si Jaclyn sa speaking engagement para makapagbigay inspirasyon sa kanyang kapwa ASEAN actors.

Last year (2016), lumikha ng history si Jaclyn nang magwagi bilang unang Southeast Asian actress sa Cannes International Film Festival para sa kanyang performance sa Ma’Rosa.

Samantala, ang siyam na Pinoy indie films na pambato ng Pilipinas sa 3rd edition na ito ng AIFFA ay ang Imbisibol ni Lawrence Fajardo;  Purgatoryo ni Derick Cabrido, Dagsin (Gravity) ni Atom Magadia,  Paglipay ni Zig Dulay, Pauwi Na ni Paolo Villaluna, Laut, at Area ni Louie Ignacio, Dayang Asu ni Bor Ocampo, at Ned’s Project ni Lem Lorca.

Ang mga ito ay ire-represent ng mga filmmaker at cast members ng bawat pelikula.

Ang AIFFA ay isang film competition by ASEAN countries tulad ng Philippines, Malaysia, Singapore, Indonesia, Cambodia, Laos, Thailand, Myanmar, etc.. Ang Malaysian na si Livan Tajang ang Festival Director.

Opening film ang Ang Babaeng Humayo ni Lav Diaz.  Hosts ng awards night sina Marc Nelson at Rovilson Fernandez, awards presenters naman sina Cherie Gil (AIFFA 2015 Best Actress for Sonata) at Marlo Mortel, at await si Jason Dy.

Ang FDCP Chair na si Liza Diño-Seguerra ay imbitado rin upang maging guest speaker sa bukod na programa ng festival.  Ang event ay mapapanood ng live sa tatlong araw (May 4-6) sa  www.aiffa2017.com

About hataw tabloid

Check Also

Regine Velasquez

Regine tanggap na lipas na ang panahon — I can no longer compete with the young ones

MA at PAni Rommel Placente SA inilabas niyang TikTok video nitong Huwebes, November 21, pinaalalahanan ni Regine Velasquez …

Vilma Santos Uninvited Espantaho

Ate Vi nilinaw pagpili sa Uninvited kaysa Espantaho

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI itinago ni Vilma Santos na excited siyang makasama si Judy Ann Santos sa …

Showtime GMA 7

It’s Showtime renewal sa GMA pinag-uusapan pa

I-FLEXni Jun Nardo “WE are now in the process of negotiations for the renewal of …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Direk may kakaibang modus kapalit ang pagpi-finance ng kanyang movie

ni Ed de Leon Kaya pala ipinipilit ni direk ang isang male starlet na ipakilala niya sa isang kaibigan …

Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday

HATAWANni Ed de Leon MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *