Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Digong dapat nang durugin si Bato

MARAMI nang sablay si Chief PNP Bato dela Rosa. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit patuloy itong kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, gayong matingkad pa sa sikat ng araw ang kanyang mga kapalpakan.

At ang pinakahuling kapalpakan nito ang ginawang pagkiling sa mga pulis sa Manila Police District Station 1 sa Raxabago, Tondo, na naglagay ng “secret cell” para roon ikulong na parang mga baboy ang drug suspects.

Wala tayong kuwestiyon sa pagpapakulong sa mga halang na kaluluwang drug suspects, lalo na ‘yung mga nagbebenta nito. Pero ang ikulong sila na masahol pa sa baboy ay hindi na yata talagang makatao, at hindi pa napapatunayan kung sila ba ay guilty o hindi.

Pero anong ginawa nitong si Bato?  Ipinagtanggol pa ang sikretong selda. ‘Di bale na raw malabag ng kanyang mga pulis ang karapatan ng mga naroon, basta’t hindi nangingikil o pinag-kakakuwartahan ang mga suspek ay ayos lang.

Anong klaseng pangangatuwiran mayroon si Bato? Bakit napakabilis niyang iabsuwelto ang kanyang mga pulis, gayong hindi pa nauumpisahan ang imbestigasyon sa kanila?  Hindi naman siguro mahirap kung manahimik muna siya at hintayin ang imbestigasyon kung may nagawa bang paglabag ang mga pulis niya o wala?

Dapat na sigurong mag-isip-isip si Duterte kung dapat na ba niyang sibakin si Bato.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …