Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangarap ni Sylvia na malagay sa naglalakihang billboard, natupad na

ANG magkaroon ng naglalakihang billboard sa major highways sa Metro Manila at probinsiya ang isa sa pangarap ng lahat ng artista at isa na si Sylvia Sanchez sa kanila.

Pero siyempre, itinago na lang niya iyon sa sarili niya kasi maski na nagbida na siya sa The Greatest Love ay wala namang nag-aalok sa kanyang mag-endoso ng produkto.

Mayroon kaming alam dati, pero hindi natuloy dahil nasulot ng isang artista na nagbagsak presyo. Wow, ibig sabihin, malaki na ang talent fee ni Mama Gloria?

Anyway, ang pangarap na malalaking billobard ni Sylvia ay magkakaroon ng katuparan dahil may pictorial shoot siya sa Mayo 7 para sa isang produkto na hindi pa puwedeng banggitin kung ano.

Kaya maski na gusto pa niyang magtagal sa Amerika para magbakasyon kasama na rin ang anak na si Gela na dumalo sa Encienda Poveda Dance Group bilang Philippine representative sa International Cheer Union Worlds Competition 2017na ginanap mismo sa loob ng Universal Studios noong Abril 27 ay kinailangan ng aktres na bumalik na ng Pilipinas.

Ang pangarap din ng aktres na muling makapanood ng play sa Broadway sa New York ay hindi na rin tuloy.

As of this writing ay hindi pa namin nakakausap si Ibyang kung ano ang next project niya pagkatapos ng The Greatest Love.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …