Friday , November 22 2024

Pagsabog sa Quiapo ginagasta ng destabilizers

BIGLA na namang naglabasan sa kanilang mga lungga ang mga ‘namayapang’ destabilizers dahil sa pagsabog na naganap  sa isang peryahan sa Quiapo, Maynila kamakalawa bago mag-hatinggabi.

Malaking bagay na mayroong camera ng CCTV sa nasabing area kaya’t agad nabibigyan ng direksiyon ang imbestigasyon ng pulisya.

Base na rin sa mabilis na imbestigasyon ng mga awtoridad, agad nilang naiugnay ang naganap na pagsabog sa paghihiganti ng isang ama na ang anak ay nabugbog umano ng mga bataan ng operator ng nasabing perya.

Pero iniimbestigahan pa lang ito at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa ang ama ng batang nabugbog umano.

Ang nasabing  ama ang naituro dahil nakapagsalita siya ng pagbabanta laban sa nasabing peryahan.

Ilang beses rin umanong nagpabalik-balik doon ang ama dahil hinahanap nga niya ang nambugbog sa anak.

‘Yan po ang tinutungo ng imbestigasyon ng pulisya.

Kaya sana lang po ay huwag nang ipilit ng kung sinong ‘destabilizers’ na ang pagsabog ay may kaugnayan sa ASEAN Summit.

Huwag na po natin ipahiya ang ating bansa.

Ang isang kaigihan nito, malayo sa pusod ng Maynila ang ASEAN Summit kaya hindi masyadong apektado ng nasabing pagsabog.

Sa totoo lang, bilib tayo sa ipinakikitang sipag ng mga pulis ngayon para matiyak ang seguridad ng ASEAN Summit.

Lalo na ‘yung mga bata o bagong pulis na bagito pero kitang-kita ang dedikasyon sa kanilang trabaho.

Sana, kahit walang Summit ay ganyan sila kasipag at kahusay sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Umabot nga pala sa 14 ang sugatan at lima ang nasa kritikal na kondisyon.

Kabilang sa limang kritikal ang kondis-yon ang isang naputulan ng binti at isa pang nawakwak ang likurang bahagi ng katawan.

Ayon kay NCRPO director, Chief Supt. Oscar Albayalde, isang pipe bomb na nilagyan ng pulbura na ginagamit sa fireworks at firecrackers na sinamahan ng roscas bilang shrapnel, ang pinasabog sa lugar.

Mismong si Gen. Albayalde ang nagsabi, hindi terorismo ang insidente dahil sa uri ng ginamit na pampasabog at walang estrukturang nasira kundi ang nag-iisang mesa.

Wala mang kaugnayan sa Summit ang naganap na pagsabog, dapat pa rin maingat ang ating mga kababayan lalo na doon sa mga pook na madalas puntahan ng publiko.

Kudos sa PNP na mabilis na nagresponde at nag-imbestiga sa insidente.

Ingat, ingat po lagi mga suki!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *