Thursday , June 4 2026

Magsasaka umiwas sa bubuyog nalunod sa ilog

LAOAG CITY – Nalu-nod ang isang magsasaka sa ilog na malapit sa Mount Mabilag, dahil sa pag-iwas sa umaatakeng mga bubuyog sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte, kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Orlando Tejada, walang asawa, at residente ng Brgy. Manalpac sa nasabing bayan.

Ayon sa PNP Solsona, habang nangunguha ang biktima ng “bilagot” o pekkan, isang uri ng gulay, sa tabi ng sa ilog, kasama ang ilang kaibi-gan, biglang umatake ang napakaraming bubuyog kaya mabilis siyang tumalon sa ilog.

Susubukan sanang sagipin ng mga kasama-han ang biktima ngunit sa dami ng mga bubuyog ay tumakbo sila palayo.

Nang binalikan ng mga kasama ng biktima ay nakitang nalunod na si Tejada.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …