SINA Julian Trono at Ella Cruz ang bagong loveteam na susugalan ng Viva Films at may K din naman base na rin sa ipinakitang dance moves ng dalawa sa nakaraang presscon na ginawa sa Le Reve Events Place.
Dating GMA 7 artist si Julian bago lumipat sa talent management agency ni Ms. Veronique del Rosario.
Bukod sa pagsayaw na hilig ng binata ay marunong din siyang kumanta’t umarte.
Base sa kuwento ni Julian pagkatapos ng Q and A, ”nag-compliment po kasi ‘yung tatlo, acting singing and dancing. Dancing brought me wherever I am now, ‘yung singing kasi nag-grow na lang kasi from singing to dancing, puwedeng sayawin mo rin ‘yung kanta mo, ‘di ba? ‘Yung acting kasi, film student ako, so nagco-compliment po sa lahat ng gawin ko. Acting lang po ‘yung medyo hindi ko pa nawo-work out masyado.”
Third year Film student si Julian sa Meridian International College or MINT College at pangarap niyang maging direktor.
“Yun po talaga ang direction ko personally. When I took up film, sabi ko, I want to write stories, I want to direct kasi po, I do write stories, actually from the very start, I shoot the dance videos, ako talaga gumagawa.
“Gusto ko lang po ng larger scale, sana hopefully with Viva, ma-work ko ‘yung stories (gusto ko). Hindi pa naman po ngayon, ‘pag natapos ko na ‘yung studies ko, mabigyan na ng boses ‘yung mga ginagawa ko,” paliwanag ng binata.
At dahil mukhang Koreano ay napabilang si Julian sa K-POP ng GMA 7 na nagpunta pa sa Korea para mag-guest sa isang variety show doon.
“It was successful naman po after a year of training here (Pilipinas) for the Koreans tapos lumipad kami sa Korea noong February 2015. Went there and nag-perform ako sa parang ‘ASAP’ show nila then went back here in the Philippines para i-promote ‘yung single.
“I don’t know what happened na kasi parang nagkaroon ng miscommunication with the management (GMA) sa Koreans, hindi ko po alam. Siguro hindi na natin kailangang i-discuss kasi hindi ko rin po alam masyado ‘yung details so hindi na natuloy.
“It was successful naman po rito kasi nagkaroon naman kami ng tour dito sa Philippines, but after that, ‘yung music nag-subside na and then I went back to soap (drama),” kuwento ni Julian.
Na-frustrate si Julian noong hindi nagtuloy-tuloy ang project, ”nandoon po noong time na ‘yun. But hindi naman sa akin ‘yung blame. With due respect to everyone involved, nagkaroon lang po ng mga problema, unfortunate events, kumbaga walang dapat sisihin. So, sa akin sa part ko, I think, I did my part so hindi pa ‘yun ‘yung time ko.
“And I think, this could be the time now. Siguro meant na rin ni Lord na hindi muna maging successful ‘yun kasi nandito ako sa Viva, ganoon na lang po, positive na lang. But naging hopeful ako na magkaroon ng international career, but expectations, wala akong ganoon kasi I don’t expect too much. I take it by the day.”
At sa sinasabing pareho sila ng boses ni James Reid.
“Parehas po kasi kami ng in-house song writer, ‘yun kasi ang sound nila. Well I take it as a compliment kasi iba rin ‘yung artistry ni James, singing talaga ang passion niya.
“Ang kaibahan lang sa akin, I’m more into dancing and ngayon na lang ‘yung singing. Siguro ‘yun lang po muna, dahil pareho kami ng (songwriter). ‘Yung next single ko that were working out, I’m trying a different path to keep more sound like me na talagang sige I took the risk na rin na hanap ng ibang sound. Introduce a new sound, kasi ‘yung P-POP generation namin na show, ipino-promote namin ‘yung OPM, I think, that will be a good venue to showcase a new music and a new sound,” pangangatwiran ng bagong loveteam ni Ella.
Bukod sa igagawa ng pelikulang Fanboy/Fangirl ang JulianElla, may CD album din at sa Mayo 1 na ang umpisa ng shooting ng pelikula ng dalawa.
“We’re so blessed with all these opportunities. Sunod-sunod ang mga project. We’re super thankful to Viva,” saad ng bagitong aktor.
“Nakaka-tense rin. Big challenge for me and Julian to prove ourselves,” say naman ni Ella.
Nagtala naman ng 2M ang followers ni Ella sa social media at nasa 6 million views ang dance video niyang Work It.
At nasa 4 million views ang FettyDanceCraze video ni Julian at 3 million views naman ang video ng unang pagsasama nila ni Ella na Versace on the Floor.
FACT SHEET – Reggee Bonoan