Friday , May 3 2024

Manang Inday, nasampal nang malakas si Manoy Eddie; Lito Lapid, papasok din sa FPJ’s Ang Probinsyano

MATAGAL na ring magkasama sina dating Movie Queen Susan Roces at durable actor Eddie Garcia pero hindi nila makalilimutan ang isang eksenang ginawa sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Napalakas kasi ang sampal ni Manang Inday at nasaktan si Manoy Eddie. Sobra kasing emosyonal ang tagpong iyon para kay Manang Inday.

Sa sobrang galing umarte bilang kontrabida ni Eddie na pangisi-ngisi   sa harap ng aktres, nakatikim siya ng award na sampal kay Roces.

Maging si Yassi Pressman nga ay natameme sa ipinakitang galit ni Manang Inday.

Malaking factor talaga ang dalawang batikang artista kaya umaapaw ang ratings ng FPJAP.

Kabisado na ni Direk Toto Natividad si Manoy Eddie kaya marahil tailor made na ito para sa kanya.

Inaabangan na rin ang pagpasok ni dating senador action star Lito Lapid sa teleseryeng ito.

SHOWBIG – Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *