Friday , November 22 2024

Mendoza, kinomisyon ng TV5 para gumawa ng TV seriees

KINOMISYON ng TV5 ang international award winning director na si Brillante Mendoza para gumawa ng art film na mapapanood sa nasabing network na kinunan base sa buwan kung ano ang isineselebra.

Katulad ng Tsinoy film para ipagdiwang ng Chinese New Year, Everlasting para saPanagbenga at ang Pagtatapos para sa graduation ngayong Marso.

Sa ginanap na press preview cum presscon ng D5 sa Directors Club sa SM Fashion Mall ay ipinakita ang trailer ng mga nabanggit na pelikulang idinirihe ni Mendoza.

Base sa mga trailer ay napansing walang masyadong malalaking artista o masasabing sikat kundi pawang character actors ang mga kasama.

Ang katwiran ni direk Brillante, ”mas gusto ko kasing mag-focus sa kuwento o istorya kasi iyon ang binibigyan ko ng importansiya.

“Okay lang naman na may mga sikat na artista, pero mas gusto nating mag-focus sa kuwento. Parati ko namang pinaghahalo ang professional actors at non-professionals. Of course eventually, ang gusto nating mangyari ay hindi lang natin gustong ipalabas dito sa Pilipinas itong monthly specials na ito kundi in the future na puwede rin sa ibang bansa,” paliwanag ng international acclaimed/award winning direktor.

At kaya isang pelikula lang ang naipalalabas kada buwan ay dahil mahirap gumawa ng pelikula.

“Mahirap pong gumawa ng pelikula.  Even if it’s a short film talagang ang treatment natin ay parang full length.  So ang proseso po natin ay full-length.  Ang mga kuwento na ito ay referential ibig sabihin, hindi lang isang imaginative stories, nagpupunta po kami sa iba’t ibang lugar, maraming pool of writers na may kanya-kanyang assignment tulad sa isang particular region. May proseso na dapat sundin hanggang sa makagawa kami ng kuwento, so mayroong original music, sound design.  Hindi ‘yun ‘yung normal process kasi sa mga TV show, it’s a film kaya mahirap, but very rewarding.

“That’s why I’m very thankful with TV5 kasi I think, they’re the only network that will show this kind of TV series or TV show na kahit in the facts, and TV drama ang ginagawa ay thru film.  It’s an alternative film kasi mas focus tayo sa kuwento rather than the actors,” paliwanag ni direk Brillante.

May usapan ba ang TV5 at si direk Brillante na gawing komersiyo ang alternative films na ito dahil kailangan din namang kumita ang network dahil mas gusto ng advertisers ay komersiyal film?

“Walang compromise with TV5 kumbaga I’m free kung ano ang gusto kong gawin kaya nga thankful ako kasi sila lang ang network na puwedeng gumawa nito at nakagawa ng ganito and they don’t care about it, of course we want ratings, that’s the reason why we invited you (entertainment press) kasi kahit paano you can help us.

“Of course, sinong ayaw ng sponsors, kailangan natin ng sponsors, at the end of the day, business ito.  But then, TV5 took the challenge na magpalabas ng mga ganitong pelikula na hindi kailangang i-commercialized,” paliwanag ulit ng direktor.

Dagdag paliwanag din ng direktor na may sinusunod siyang story line  para sa pelikulang ginagawa niya at hindi niya iniisip kung pang-commercial o hindi dahil nga ‘yung quality ang gusto niyang ipakita o kung ano ‘yung alam niyang tama.

Attungkol naman sa budgeting ng tinatawag niyang alternative film ay, ”sobrang unique ang collaboration namin ng TV5, unique in a way kasi I work in bulk figure and then it’s up to me kung paano ko (tipirin). Kasi there are some projects na kailangan naming mag-travel, may projects na period, like action films na noong ‘70’s pa. So iba’t ibang budget bawat films, so may ibang film talagang nag-oover kami, as in.

“Kami ang nagba-balance, I have my producers, I have my production managers, iba’t ibang budget,” kuwento pa ni direk Brillante.

Tinanong ang TV5 head na si Mr. Chot Reyes kung may plano silang isali sa film festivals sa ibang bansa ang mga nabanggit na pelikula ni direk Mendoza.

“Hindi naman plinano na isali sa ibang film festivals, it was never intended the reason why kinuha namin si direk Brillante Mendoza is because there was really a very specific positioning na gusto naming gawin for TV5 na it’s really different, it’s alternative, very faithful to our station ID ang aming choose courage na branding, so I thought it was a lot amount of courage for us to embarked on a project like this.  So, I believe, we do our job well and is to support direk Brillantes so that he can do his best work,” kawiran ni Mr. Reyes.

Isang taon ang usapan ng TV5 at ni direk Brillante para sa 12 movies na gagawin nito at 13 episodes mini-series at may iba pang pinag-uusapan para sa mga next project pagkatapos ng isang taon.

At sa ginanap na press preview ng Pagtatapos tungkol sa kuwento ng high school student na si Shaira na pilit nilalabanan ang mga problema nito sa pamilya at ang requirement nito bilang folk dancer na kailangan niyang maipasa para grumadweyt siya.

Ang buong pelikula ay kinunan sa Philippine High School for the Arts sa Maria Makiling, Laguna.

Hindi kilala ang gumanap na Shaira na si Gabby Padilla pero noong i-check namin ang kanyang biofilm ay isa siyang theater actress at singer at nagtapos ng kursong BC Theater Arts and Media Education sa Assumption College noong 2014 at nakagawa ng pitong plays sa kanilang eskuwelahan at may additional training siya sa improvisation and Intermediate Acting, Rehearsal and Performance with Ana Valdes-Lim (Naturalism, Meisner, Uta Hagen, Viewpoints, Physical Theater, Alexander Technique, Stanislavski), Basic Movement Class, Movement & Voice, Movement & Masques, Voice Classes (Trumpets Playshop, METTA, University of San Agustin Conservatory of Music.

Nakagawa na rin ng documentary at short film tulad ng Dahling Nick (2015) at Who’s the Tiktik? (2016) and Reflection (2016).

Ej, kaya naman pala magaling umarte at napaka-natural at hindi nagpasindak sa award winning actors na sina Nonie at Sharmaine Buencamino plus Racquel Villavicencio dahil matindi naman ang training.

Anyway, mapapanood ang Pagtatapos sa Sabado, Abril 22 sa TV5 sa ganap na9:30PM mula sa direksiyon Mendoza.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Mercy Sunot Aegis

Cancer traydor na sakit, dumale kay Mercy ng Aegis

HATAWANni Ed de Leon PUMANAW ang soloista ng AEGIS band na si Mercy Sunot sa edad na 48 lamang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *