Monday , November 25 2024

Sylvia Sanchez, habang buhay na ipagmamalaki ang seryeng The Greatest Love

NGAYON ang huling araw na mapapanood ang teleseryeng The Greatest Love na nagmarka sa kamalayan ng maraming viewers, lalo na sa mga ina. Tinutukan ng marami ang seryeng pinagbidahan ni Ms. Sylvia Sanchez mula simula hanggang sa pagtatapos nito.

Bilang si Mama Gloria, nagkaka-isa ang maraming suking manonood ng naturang Kapamilya TV series sa mahusay at makatotohanang pagganap ni Ms. Sylvia, bilang mapagmahal na ina at lola na nagkaroon ng Alzheimer’s disease.  Maraming televiewers ang na-touch at humanga sa mga artista nito at sa mga tao sa likod ng serye.

Proud namang ipinahayag ni Ms. Sylvia na ang TGL ang seryeng habangbuhay niyang ipagmamalaki.

“Nalulungkot ako kasi, matatapos na ang journey ni Mama Gloria. Pero masaya rin at the same time, dahil nakagawa ako ng isang napakagandang teleserye na habangbuhay kong maipagmamalaki kahit kanino. At ito rin ang magiging bonding ko sa mga magiging apo ko dahil hanggang sa ending pinag- isipan talaga at pinaghirapan namin ito.

“Sa seryeng ito rin, sobrang saya ang naramdaman ko dahil sa suporta ng publiko. Sinuportahan at minahal nang sobra ng sambayanang Pilipino ito, hindi lang dito sa ‘Pinas, kundi sa buong mundo na mayroong mga Pinoy,” pahayag ng premyadong aktres.

Ano po ang mami-miss nyo sa TGL?

Sagot ng award-winning aktres, “Ang mami-miss ko sa pagtatapos ng TGL ay ang mga co-actors ko, iyong aming kulitan, tawanan, kainan, at higit sa lahat iyong nagtatrabaho kaming lahat ng cast bilang isa, ensemble, walang sapawan. Masarap magtrabaho kapag nandoon yong respeto at pagmamahal ng bawat isa.”

Sa pagtatapos ng TGL, sa last airing ninyo ngayong Friday, ano sa palagay ninyo ang mararamdaman ng viewers? “Sa tingin ko, papalakpak at magiging masaya ang lahat.”

Ano po ang next na dapat abangan ng fans ninyo sa inyo?  “Mayroon nang sinabi sa akin, maganda rin siya. Pero hindi pa puwedeng sabihin kung ano ‘yon,” matipid na tugon pa ng very accommodating na mother nina Arjo at Ria Atayde.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *