ISANG mensahe kahapon through text ang natanggap namin mula sa abogado ni Jake Ejecito, si Atty. Ferdinand Topacio. Anito, hindi pinayagan ni Andi Eigenmann si Ellie na dumalo sa kaarawan ng kanyang lolo na si dating pangulo at Mayor ng Manila na si Joseph Ejercito Estrada sa April 19.
Ang dahilan ni Andi ay dahil sa isinampang kaso ni Jake kaugnay sa joint custody sa bata.
Text ni Atty. Topacio na patungong Tokyo, Japan, ”Good morning, friends. Leaving for Tokyo today. I just got word that Andi won’t let Ellie participate in the program of Mayor Erap’s 80th birthday on April 19 because of the case. I feel so bad for for my friend Erap. It’s a once-in-a-lifetime milestone for him… .”
Dagdag pa ni Atty. Topacio, “Kawawa si Erap. She’s really using Ellie for emotional blackmail.”
Nalulungkot nga ang buong Pamilya Ejercito sa ‘di pagdalo ni Ellie sa kaarawan ng kanyang lolo.
MATABIL – John Fontanilla