Thursday , June 4 2026

Wanted Korean sex maniac arestado ng CIDG

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang wanted na Korean sex-predator makaraan ang mahigit walong taon pagtatago sa batas.

Naaresto nang pinagsanib na puwersa ng CIDG, Bureau of Immigration (BI) at QCPD, ang wanted na Koreano sa kanyang bahay sa Capitol Estate 1, Quezon City.

Kinilala ang naarestong Koreano na si Seo Inho, 53-anyos.

Ang operasyon ay isinagawa ng CIDG ATCU makaraan makatanggap ng sumbong mula sa Korean police desk tungkol sa pinagtataguan ng wanted na si Seo Inho.

Si Inho ay mayroong Interpol Red notice makaraan mapatunayan ng hukuman ng Korea, sa kasong pang-aabusong sexual at maltreatment, at  nahatulang mabilanggo ng dalawang taon at anim na buwan.

Samantala, agad nagpa-labas ng summary deportation order at arrest warrant ang Bureau of Immigration laban sa Koreano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …