Thursday , June 4 2026

Ate Guy, bibigyan sana ng tribute sa Showtime

UUMUSOK ang talakayan namin sa programang Cristy Ferminute nang makatanggap kami ng magkasunod na text message mula sa isang ABS-CBN insider who requested anonymity.

Pinapaksa kasi namin ang sinipot na guesting ni Nora Aunor sa Jackpot en Poy segment ng Eat Bulaga over Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime.

Ayon sa aming texter, nagtala ang IS ng 33.6% national ratings vis a vis 11.7% na inani ng EB. Patunay lang daw na mas tinutukan ng madlang pipol ang paligsahan sa pag-awit kaysa bagong segment ng EB. For the record naman kasi, humataw nang husto sa ratings ang IS dahil sa TNT na siyang lumampaso sa kalyeserye ng AlDub, ‘no!

Nanghihinayang din ang aming texter sa ‘di-pagsipot ni Ate Guy sa segment named after the amateur singing contest na siyang nagbigay-daan sa kanyang pag-aartista. Sayang, ang guesting pa naman sanang ‘yon ni Nora ay hindi lang para bigyan siya ng tribute bilang grand champion nito (along with Diomedes Maturan, Novo Bono Jr., Jonathan Potenciano. Si direk Bobot Mortiz ay sumali rin noon pero hindi nagkampeon).

Layunin din ng TNT—kung natuloy ang pagsipot ni Ate Guy—na ipamukha sa mga millennial o makabagong henerasyon ang payak na simulain o humble beginnnings niya bago naabot ang estado bilang kaisa-isang Superstar ng bansa.

Kaso, alam na nga!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …