WALANG balak mag-pose ng sexy sa men’s magazine ang Kapuso actress na si Sheena Halili. Maaalalang pinag-usapan ang pag-pose nito na naka-swimsuit na kitang-kita ang magandang kurba ng katawan na pumukaw sa atensiyon ng mga kalalakihan.
Ayon kay Sheena, ”Hindi naman, hindi ko naman isinuot ‘to para patunayan na willing na ‘kong mag-pose.
“Wala, gusto ko lang ilabas. Gusto ko lang ilabas ang cleavage ko, na baka mahuli ang lahat, maipakita ko na may cleavage ako,” pagbibirong pahayag pa ni Sheena.
Hindi naman isinasara ni Sheena ang idea na baka sa mga susunod na taon ay maisipan na rin niyang mag-pose sa mga mens magazine kapag ready na siya mentally and physically.
MATABIL – JOHN FONTANILLA