Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piolo, madalas kaladkarin ang pangalan ni Shaina

NAGKITA na ang orihinal na mag-asawang Carlo Aquino (Marco) at Shaina Magdayao (Camille) nang sundan ng una ang ikalawang asawang si Denise Laurel (Bianca) at tinawag na ‘Pangga’ na ipinalabas kahapon, Biyernes.

At dahil pamilyar kay Camille ang boses kaya lumingon siya at nagulat dahil nakita niya ang asawang nawawala dahil sa airplane crush, ‘yun nga lang, parang hindi naman siya natatandaan ni Marco.

Sabay pasok naman ng asawa na ngayon ni Camille na si Rafael (JC de Vera).

Sa pag-aakalang maayos na ang lahat ay mistulang babangon mula sa hukay ang nakaraan sa pagku-krus ng landas nina Camille at Marco na siya namang muling magdurugtong sa kanilang mga buhay at panibagong pamilya.

Ano kaya ang maidudulot nito sa kasalukuyang pagsasama nila ng kanilang mga asawa? Maipaglaban kaya nila ang kanilang tunay na better half?  Ilan lang ito sa mga katanungan ng manonood ng Better Half.

Trending naman ang #TBHSalpukan kahapon dahil talagang hindi ito binitiwan ng manonood at para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Samantala, kailangan sigurong magsalita ni Shaina sa ibinabatong isyu kay Piolo Pascual na ginagamit lang siya ng aktor para pag-usapan dahil sa tuwing may presscon si PJ ay laging ang tungkol sa kanila ng aktres ang tinatanong at panay naman ang sagot niya.

“Puwede namang hindi sagutin ni Piolo ‘yung isyu kung talagang ayaw din niyang nakakaladkad ang name ni Shaina. Gustong-gusto rin niya kasi para mapag-usapan sa presscon niya,” komento mismo ng TV reporter.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …