Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Garie, wish makatrabaho ang amang si Gabby

KILABOT’S girl. According to Garie Concepcion, walang nagiging problema sa kinikilalang Kilabot ng mga Kolehiyala sa panahong ito na si Michael Pangilinan. Hindi nga lang sila ma-post ng mga nangyayari sa buhay nila ngayon dahil may kanya-kanyang ikot pa rin naman ang buhay nila.

If there is one thing that Garie admires nga in her boyfriend eh, ang pagiging isang ama nito dahil hindi nakaliligtaan ang panahon para sa kanyang anak. Na ikinatutuwa rin naman niya.

On March 21, 2017 (Tuesday), sasalang sa Historia Boutique Bar and Restaurant sa Sgt. Esguerra si Garie with Tori Garcia and L. A. Santos in a very special show entitled Killing Me Softly with Your Love, together with guests Erika Mae Salas, Pauline Cueto, Sarah Ortega, Jane Enriquez, Rayantha Leigh, Eumir Jay Rader and more ng TJC at TEAM hatid ng Fernando’s Bakery, Above Aesthetics, Mesa Restaurant and ISpy at marami pa.

Kung pag-arte talaga ang gustong-gustong gawin ni Garie, hindi niya isasantabi ang pagkanta. Dahil gusto rin niyang magkaroon ng hit mula sa mga isusulat niyang awitin.

“Kaya lang, tita medyo nagkaroon ‘ata ako ng writer’s block the past months. Kaya kailangan ko ng inspirasyon. And when I say naman inspirasyon, it doesn’t mean that it has to come from someone or something na romantic. Yes, I know one day I will write a song for Michael. Hinihintay ko lang na dumating ‘yung moment to make it more special.”

Garie hopes to make this a better year for her. In her career.

“I am doing my fourth movie bale. ‘Yung ‘Ang Guro Kong Hindi Marunong Magbasa’ with Congressman Alfred Vargas and also Tori. So far, talagang gusto ko ang umarte. At varied na rin naman ang roles na nagagawa ko in the past. Looking forward na makasama ko si Daddy (Gabby) in a movie. ‘Yung magkaka-eksena kami. We did ‘Across the Crescent Moon’ pero wala kaming eksena. Sinamahan ko lang siya sa day ng shoot niya. I also am looking forward to sing with my sister KC. And Michael also.”

Sa Mater Dolorosa, Straight to the Heart, Across, at Guro, sari-saring mukha na ang ipinakita ni Garie. Pero when her heart sings, iba’t ibang hugot din ang madarama.

Happy ang Cornerstone talent na sa puntong ito, hinahayaan naman sila ng kanya-kanyang management na alagaan lang ang anumang mayroon sila ni Michael. At tanggap naman ng pamilya nila ang isa’t isa.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …