MISS na ng Kapamilya actor na si Marlo Mortel ang pagkakaroon ng teleserye dahil halos mag-iisang taon na rin ang huli niyang pagganap kasama si Janella Salvador.
Nakadalawamg teleserye na si Janella pero si Marlo ay hindi pa rin nabibigyan ng bagong proyekto. Mabuti na lang at nakagawa ito ng pelikula sa Regal Entertainment, ang Mano Po 7.
Tanging sa morning show na Umagang kay Ganda na lamang napapanood si Marlo.
Nalulungkot ang mga tagahanga ng actor dahil sayang naman ang husay niya sa pag-arte kung hindi mabibigyan ng project.
Open naman ang singer/host/actor na ipareha siya kahit sa ibang Kapamilya actress lalo’t may iba na rin namang kapareha si Janella.
MATABIL – John Fontanilla